Events host, 10 beses nagparetoke magkaroon lang ng mga raket

Events host, 10 beses nagparetoke magkaroon lang ng mga raket

- Ibinahagi ng events host na si Michael ang kanyang pinagdaanan kung bakit kinailangan niyang magparetoke ng 10 beses

- Biktima ng panlalait si Michael mula pa pagkabata kaya naman nang magkaroon ng sariling pera, naisipan niyang magpaayos ng mukha

- Naisip din niya ito dahil sa tumal ng mga proyektong napupunta sa kanya bilang events host

- Subalit nang makailang beses na siyang nagpaayos ng mukha, dumami na ang kanyang raket

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na ibinahagi ng events host na si Michael ang kwento ng kanyang buhay sa Kapuso mo, Jessica Soho.

Nalaman ng KAMI na umabot na sa sampung beses ang pagpaparetoke ni Michael sa kanyang mukha.

Ang kanyang dahilan, matumal ang mga proyektong nakukuha niya sa pagiging host noong hindi pa siya nagpapaayos ng mukha.

Events host, 10 beses nagparetoke magkaroon lang ng mga raket
Photo from Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho)
Source: Instagram

Biktima rin umano ng panlalait si Michael mula pagkabata. Natandaan niyang maging ang malapit niyang kaibigan ay nasabihan siya ng "pangit."

Read also

Ina ng may stage 5 chronic kidney disease, naluha nang matulungan

Kaya naman nang magkaroon ng sariling pera, nagsimula si Michael na ipagawa ang iba't ibang bahagi ng kanyang mukha.

Katunayan, umabot na sa halos isang milyong piso ang nagagastos niya sa pagpaparetoke.

Subalit, masasabi niyang sulit naman ito dahil talagang dumami ang mga raket niya bilang host.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kalaunan, nagkaroon din ng 'love life' si Michael na natanggap naman ang kanyang nakaraan at pinagdaanan.

Sa kabila ng mga pagbabagong ginawa sa kanyang mukha, hindi pa rin naman matatawaran ang mga natural na talento ni Michael na bukod sa hosting, mahusay din siyang umawit.

Paalala ni Michael na sa kabila ng pagpapagandang ginawa niya sa kanyang mukha, nararapat lamang na maging kaakibat nito ang mabuting kalooban.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Raffy Tulfo, napahalakhak sa mga makukulit na salitang nasabi ng OFW

Kilala ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa pagpapalabas nito ng mga kwentong patok sa puso ng mga Pilipino.

Kamakailan ay ibinahagi nito ang buhay ng magkapatid na nag-viral dahil sa umano'y iisa ang kanilang asawa.

Gayundin ang pagtutok ng KMJS sa kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera kung saan nakapanayam ni Soho ang mga kaibigan ng flight attendant na itinuturing na mga akusado.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel