Ina ng may stage 5 chronic kidney disease, naluha nang matulungan

Ina ng may stage 5 chronic kidney disease, naluha nang matulungan

- Naging emosyonal ang ina ng 27-anyos na mayroong stage 5 chronic kidney disease nang bisitahin ito ng vlogger na si Archie Hilario

- Wala umano ang pasyenteng mag-isang nagpa-laboratory upang makatipid sa pamasahe

- Labis na nasasaktan ang ina sa sinapit ng anak na breadwinner pa naman ng kanilang pamilya

- Nagpapasalamat naman sila sa tulong na kanilang natatanggap sa mga taong nagmamalasakit sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal ang ina ng 27-anyos na si Christian nang bisitahin sila ng vlogger na si Archie Hilario pa mas kilala bilang si Pobreng Vlogger.

Nalaman ng KAMI na si Christian ay mayroong stage 5 chronic kidney disease at sumasailalim sa gamutan.

Subalit kaakibat ng pagpapagamot na ito ang pag-aalala ng kanyang ina sa mga gastusin, madugtungan lang ang buhay ng anak.

Ina ng may stage 5 chronic kidney disease, naluha sa tulong na natanggap
Photo from Archie Hilario (Pobreng Vlogger)
Source: Facebook

Hindi man nadatnan nina Archie ang mismong pasyente na mag-isang umalis para magpa-laboratoryo, ipinaabot naman nila ang tulong para sa pamilya nito.

Read also

Raffy Tulfo, napahalakhak sa mga makukulit na salitang nasabi ng OFW

Napag-alaman nilang bago magkaroon ng karamdaman, breadwinner si Christian ng kanyang pamilya.

Hanggang ngayong na siya ay nakikipaglaban sa sakit, patuloy pa rin ang pagtulong niya sa kanyang pamilya sa munting paraan.

Tinitiis niyang hindi siya madalas samahan ng kanyang ina o kapatid sa ospital sa kanyang mga gamutan para lamang makatipid sa pamasahe.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman labis na pasasalamat ng ina ni Christian sa tulong na dala ng grupo ng Pobreng Vlogger mula sa mga padala ng taong nagmamalasakit sa kanila.

Kasalukuyang mayroong tindahan ang ina ng pasyente na siyang pinagkukunan nila ng pang-araw araw nilang gastusin, maging ang pagpapagamot nito.

Sa kabila ng mga pagsubok, kinakaya ng kanilang pamilya ang lahat at umaasang darating ang araw na gagaling din si Christian.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Raquel Pempengco, buong pusong tinanggap ang ina matapos siyang ipa-Tulfo

Si Archie Hilario ay isang vlogger sa Aklan at at dating DJ sa Energy FM Radio. Kilala na ngayon siya bilang si "Pobreng vlogger" na tumutulong sa mga kababayan nating naghihikahos sa buhay.

Isa sa mga natulungan niya ang basurerong mag-isa na lamang namumuhay. Nahanap man nila ang anak nito subalit kalaunan ay iniwan din muli siya kaya patuloy na lamang nila itong kinukumusta para maabutan ng tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel