Kiray Celis, sinorpresa ng boyfriend sa kanilang 1st anniversary

Kiray Celis, sinorpresa ng boyfriend sa kanilang 1st anniversary

- Masayang ibinahagi ni Kiray Celis ang kanyang pagbati sa kanyang kasintahan sa kanilang anniversary

- Gayunpaman, hindi sila magkasamang nagdiwang dahil kasalukuyang nasa lock-in taping ang aktres

- Hindi naman ito naging hadlang para sa kanyang boyfriend at nagpadala pa rin ito ng regalo sa kanya

- Pinasalamatan ni Kiray ang boyfriend dahil sa kanyang pag-unawa sa kanilang sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ni Kiray Celis ang kanyang pasasalamat sa boyfriend sa regalong pinadala nito sa kanya sa kanilang unang taong anibersaryo bilang magkasintahan.

Ito ay sa kabila ng hindi nila pagkikita dahil kasalukuyang nasa lock-in taping si Kiray. Gayunpaman, nagpadala ng bulaklak, tsokolate at note ang kanyang boyfriend na si Stephan Estopia.

Kiray Celis, sinorpresa ng boyfriend sa kanilang 1st anniversary

Photo from Kiray Celis (@kiraycelis)
Source: Instagram

Kaya naman, pinasalamatan siya ng aktres dahil sa pag-unawa nito sa kanilang sitwasyon dahil sa trabaho ni Kiray.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ian de Leon, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa inang si Nora Aunor

Bago pa ito ay nagbahagi na ng mensahe si Kiray bilang pagbati sa kasintahan. Ibinahagi niya ang ilang mga pictures nilang dalawa na hindi niya pa naibabahagi sa social media.

Binanggit niya din ang mga katangian ni Stephan na kanyang pinagpapasalamat.

Wala nakong masasabi sa kabaitan mo, sa pagaalalaga mo, sa pagmamahal mo, sa pag iintindi mo. Saludo ako sayo. Salamat sa lahat dad.

Isang cake naman ang pinadala ni Kiray sa kasintahan.

Matatandaang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon nitong Enero ng kasalukuyang taong kung saan nagbahagi ng mensahe si Stephan bilang paggunita sa kanilang unang buwan bilang magkasintahan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Kiray Celis ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang manalo siya sa Muntíng Miss U ng MTB. Naging bahagi siya ng Goin' Bulilit at ilan pang mga palabas sa ABS-CBN kagaya ng Mara Clara, Luv U at Growing up.

Elha Nympha, hot topic sa social media dahil sa kanyang swimsuit photos

Kamakailan ay hindi pinalampas ni Kiray ang pamba-bash sa kanya dahil sa kanyang pananamit. Maging ang kanyang pagsusuot ng swimsuit ay hindi nakaligtas sa mapanghusgang bashers.

Maging ang isang netizen na pumuna sa kanyang biro para sa malapit na kaibigang si Buboy Villar ay kanyang sinagot.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel