Aiko Melendez, tinanong si Sec. Harry Roque kaugnay sa ilang maiinit na isyu
- Ibinahagi ni Aiko Melendez ang isang maiksing teaser para sa kanyang video na ibabahagi sa kanyang YouTube channel
- Para sa kanyang Lie Detector Challenge, guest niya si Secretary Harry Roque na kontrobersiyal kamakailan dahil sa ilang maiinit na isyu
- Tinanong ni Aiko si Secretary Roque kaugnay sa kontrobersiyal na panayam ng news anchor na nag-trending sa social media
- Kabilang din sa naitanong kay Sec. Roque ang tungkol sa kanyang saloobin tungkol sa bise presidente at kay Vice Ganda
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang nakaabang sa nakakaintrigang mga sagot ni Secretary Harry Roque sa mga tanong na ibinato sa kanya ni Aiko Melendez.
Sa isang teaser na ibinahagi ng aktres, makikita ang ilang katanungang sasagutin ni Sec. Roque sa isang lie detector challenge.
Hindi pa man opisyal na ipinapalabas ang kabuuan ng video ay marami na ang nag-aabang dito dahil na rin sa ilang beses na nag-trending si Sec. Roque kamakailan.
Matatandaang sa isang panayam ni Pinky Webb ay pinuna ni Sec. Roque ang paraan ng pagtatanong ng news anchor at naging matindi ang talakayan ngunit isa sa pinaka-pinag-usapan ay ang paghawi ni Pinky ng kanyang buhok.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nai-tweet din ng news anchor ang tungkol dito kasunod ng kontrobersiyal na panayam.
Matapos naman maghayag ni Vice Ganda ng kanyang opinyon hinggil sa mainit na usapin ng COVID vaccine, isang makahulugang pahayag ang binitawan ni Roque: "Kaya nga po hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlong grupo pa ng eksperto ang magsusuri kung ang mga bakuna ay ligtas at epektibo. Kung hindi naman po natin pagtitiwalaan ang mga experts… sino ang ating pagtitiwalaan? Siguro po hindi mga komedyante.”
Banat naman ni Vice sa "Tawag ng Tanghalan" segment ng It's Showtime, “Hindi ako clown. I’m a comedian at may kilala akong clown. I’m a comedian, you are the clown,” aniya habang nakatingin sa camera.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Si Harry Roque ay isang Filipino lawyer at isang dating college professor. Itinalaga siyang Palace spokesperson noong 2017 at umalis noong 2018. Taong 2020 nang muli siyang ibinalik sa pagiging spokesperson.
Umani din ng matinding reaksiyon kamakailan ang pahayag ni Sec. Roque hinggil sa smuggled COVID vaccines.
Matatandaang naging sentro din ng usap-usapan ang video niya na kumakanta na nagkataong sumabay sa matinding pagbaha sa ilang bahagi ng bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh