Harry Roque, nagpaliwanag tungkol sa viral na video niya sa kasagsagan ng baha

Harry Roque, nagpaliwanag tungkol sa viral na video niya sa kasagsagan ng baha

- Sinagot ni Presidential Spokesperson ang pambabatikos sa kanya kaugnay sa kanyang viral video

- Ang video na ito ay ang kanyang public singing session na nataon habang may kalamidad

- Marami sa mga netizen ang nangbatikos dahil nataon din ito noong gabing marami sa mga residente ng Cagayan ang humihingi ng tulong dahil sa baha

- “Means of unloading” umano ang dahilan kung bakit siya kumakanta sa isang bar sa Baguio

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga pambabatikos sa kanya matapos ang pag-viral ng kanyang public singing session sa Baguio.

“Means of unloading” umano ang dahilan kaya spotted si Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang bar sa Baguio sa gitna ng mga nakapalibot na tao.

Ito ay sa gitna ng ongoing rescue sa mga taong naghihintay ng tulong habang nakaabang sa kanilang mga bubong sa Cagayan.

Angel Locsin, nakipagpulong kay Parlade upang linisin ang pangalan
Harry Roque, nagpaliwanag tungkol sa viral na video niya sa kasagsagan ng baha

Harry Roque (Photo by Dondi Tawatao/Getty Images)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Just when I thought I could unlade a little after a hectic week/s, my unremarkable singing as a means of unloading goes public and I get a beating,” ani Roque na tinutukoy ang mga pambabatikos na natanggap mula sa mga netizens.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dapat umanong mas pagtuonan ng pansin ang mga residenteng apektado pa rin ng hagupit ng Bagyong Ulysses.

“As I speak, my family and I are preparing/repacking 600 bags of rice for donation in Alcala, Cagayan Valley where my friend and previous law partner and his family reside. Let us unite, help, and be kind to our fellow Filipinos,” dagdag pa niya.

Si Harry Roque ay isang Filipino lawyer at isang dating college professor. Itinalaga siyang Palace spokesperson noong 2017 at umalis noong 2018. Taong 2020 nang muli siyang ibinalik sa pagiging spokesperson.

Angel Locsin, umalma matapos lumabas ang statement mula sa DepEd

Matapos niyang pumunta kamakailan sa Boracay, kumalat ang kanyang mga litrato na ginamit sa iba't-ibang memes sa social media. Ibinahagi niya ito at tinawanan lamang ang mga memes.

Naibahagi din ni Roque ang kanyang pasasalamat sa isang lifeguard na nagligtas sa kanya sa kanyang pagpunta sa Boracay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel