Vlogger, namahagi ng brand new TV sa mga taong nadaanan niya sa kalsada

Vlogger, namahagi ng brand new TV sa mga taong nadaanan niya sa kalsada

- Namigay ng mga bagong television ang vlogger na si Basel Manadil sa mga taong nakikita lamang niya sa kalsada

- Ang ilan naman ay nakikilala siya bilang isa siya sa mga vlogger sa bansa na madalas panoorin ng mga Pilipino dahil sa nakaka-inspire niyang konsepto ng pamamahagi ng biyaya sa mga kapos-palad na Pilipino

- Halos hindi makapaniwala ang karamihan sa kanyang nabigyan dahil 32-inch TV ang kanyang ipinamimigay

- Laking tuwa ng kanyang nabiyayaan na ang ilan ay walang tv sa kanilang tahanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakataba ng puso ang pinakabagong vlog ng YouTuber na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer dahil sa namigay niya ng mga bagong television bilang pamasko sa mga taong nakakasalubong niya sa kalsada.

Nalaman ng KAMI na mga 32-inch TV ang ipinamigay ni Basel sa mga taong sa tingin niya'y nararapat bigyan.

Baha sa Agusan del Sur, hanggang bubong ng mga bahay dahil kay 'Vicky'

Sinusubukan muna niya ang mga target niyang bigyan at nagkukunwari siyang magpupunta sa CR at ihahabilin sandali ang TV o di kaya naman ay may kukuhang ibang to. Mabilis naman siyang babalik at sasabihin niyang para sa taong pinaghabilinan brand new TV.

Vlogger, namahagi ng brand new TV sa mga taong nadaanan niya sa kalsada

Basel Manadil Photo from The Hungry Syrian Wanderer
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Halos hindi makapaniwala ang ilan sa kanyang mga nabigyan lalo na at di naman pangkaraniwan na may mamigay ng telebisyon tulad ng ginagawa ni Basel.

Ang ilan, walang pagsidlan ng kaligayahan dahil wala raw talagang telebisyon sa bahay. Ang iba naman lumang TV pa ang gamit at ngayon lamang makararanas magkaroon ng flat screen na TV.

Naluha pa nga ang delievery rider na inakala niyang ide-deliver niya ang TV na para raw pala sa kanya ayon kay Basel.

Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wanderer YouTube:

Vlogger, namigay ng maagang pamasko sa mga Katutubong Aeta sa Aklan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Kamakailan, sinadya pa ni Basel ang nag-viral basahan vendor sa Pasig City para lamang abutan ito ng tulong. Iyon pala, taga-Rizal ito at napagtagumapayan naman niya itong puntahan at nabigyan ng pangkabuhayan.

Isa rin sa kanyang mga natulungan ang nag-viral din ng Korean na nagtitinda na lamang ng noodles sa gilid ng kalsada. Katunayan, naging malapit pa siya rito at tinawag pa niya itong "Abeoji" na ang ibig sabihin sa Korea ay ama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel