Nadine Lustre, umalma sa lumabas na balita tungkol sa suot umano niya sa hiking

Nadine Lustre, umalma sa lumabas na balita tungkol sa suot umano niya sa hiking

- Hindi pinalampas ni Nadine Lustre ang isang balita tungkol sa umano'y suot niya nang mag-hiking sila

- Aniya, hindi siya makapaniwalang may nakumbinsi ang mga taong totoo na nakabikini lamang siya

- Nilinaw niya rin ang katotohanan sa likod ng mga litratong ginamit sa nasabing news report

- Aniya, pinatuyo niya ang kanyang shorts kaya hinubad muna niya ito pansamantala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inalmahan ni Nadine Lustre ang balitang nakabikini lamang siya nang mag-hiking sila kamakailan. Ito ay kasunod ng pagkalat ng litrato niya na kuha sa kanilang hiking.

Binuweltahan ni Nadine ang naglabas ng balita at tinanong kung hindi na uso ang mag-fact check ngayon. Ito ay para sabihing walang katotohanan ang lumabas na balita.

Sa kanyang Instagram Story, nilinaw niya na ang tunay na dahilan sa likod ng mga lumabas na mga litrato na wala siyang suot na shorts ay dahil ayaw niyang magsuot ng basang shorts.

Read also

Kaibigan ni Toni Fowler, napaiyak dahil sa pinagdadaanan ng kaibigan

Nadine Lustre, umalma sa lumabas na balita tungkol sa suot umano niya sa hiking
James Reid and Nadine Lustre
Source: Getty Images

Paliwanag pa ni Nadine, nabasa ang kanyang shorts kaya hinubad niya iyon pansamantala para mapatuyo niya.

"Ayokong magsuot ng basang shorts, kaya ngpatuyo muna ng 10mins ok. Ikaw kaya magsuot ng basang maong habang naghihike. I can't believe people really assumed I hiked in a b1kini.Face with tears of joy. Balakayodyan. Babalik na ko sa ulap"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Itinanggi niya ring mayroon siyang Twitter account.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila nitong unang January, 2020.

Samantala, aminado si Nadine na nakaramdam siya ng pangamba na maapektuhan ang kanyang showbiz career matapos ang pagdalang ng trabaho para sa kanya. Gayunpaman, natutunan niya umanong huwag madaliin ang mga bagay-bagay.

Read also

Kampo ni Tim Sawyer, umalma sa pambabatikos kasunod ng paglabas ng isang video

Naging laman din siya ng balita kamakailan matapos maghain ng reklamo ang talent agency na VIVA kaugnay sa paglabag umano niya ng kontratang pinirmahan niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel