CCTV video ng pag-alis ng mga tao sa Room 2207 ng Christine Dacera case, inilabas na

CCTV video ng pag-alis ng mga tao sa Room 2207 ng Christine Dacera case, inilabas na

- Ipinakita na rin sa publiko ang kuha sa mga tao na nasa room 2207, ang isa pang silid na pinupuntahan ng yumaong flight attendant na si Christine Dacera

- Makikita silang sumakay ng elevator bandang ika-7 ng umaga ng Enero 1 at nakita pang sumakay ng sasakyan

- Ayon sa sinumpaang salaysay ng manager ng hotel na kakilala ni Dacera, ang grupo rin nila ang nag-book umano ng room 2207

- Sinasabing isa sa grupo ang nagdala ng party drug taliwas sa unang pahayag ng mga kaibigan ni Dacera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isina-publiko na ang CCTV footage na kuha sa mga taong mula sa room 2207, ang isa pang silid na pinupuntahan ng flight attendant na si Christine Dacera ilang oras bago siya makitang wala nang buhay sa bath tub ng City Garden Grand Hotel sa Makati noong Enero 1.

Read also

Valentine Rosales, humihingi ng tulong upang makakuha sila ng abogado

Nalaman ng KAMI na nasa walo katao ang nasa room 2207 at makikita sa video ang pag-uwi ng apat sa mga ito bandang ika-7 ng umaga ng Enero 1.

Ayon pa sa ulat ni Emil Sumangil ng GMA News, base umano sa isang reliable source mula sa pulisya, Disyembre 30 nang i-book nina Dacera ang room 2209.

CCTV video ng pag-alis ng mga tao sa Room 2207 ng Christine Dacera case, inilabas na
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Disyembre 31 naman nang ipadagdag ng grupo ang room 2207. Ayon pa sa kakilala umano nina Dacera na manager ng hotel na si John Paul Halili, siya ang nag-ayos ng accommodation ng dalawang grupo. Kaya ayon sa police source, imposible umanong hindi kakilala ng grupo nina Dacera na nasa room 2209 ang mga tao sa room 2207.

Dahil dito, iniimbitahan na rin ang mga tao sa room 2207 na maglabas ng kanilang pahayag lalo na at ang mga pangalan nila ay nakuha na ng National Bureau of Investigation.

Read also

Flight attendant na si Christine Dacera, naihatid na sa huling hantungan

Si JP Dela Cerna isa pa umanong kasama ng grupo ang nagpakilala kay Halili sa mga tao na nasa room 2207.

Taliwas din umano sa naunang salaysay ng ilang mga kasama ni Dacera na wala umanong party drug silang nakita sa okasyon, binanggit ni Dela Cerna sa kanyang sinumpaang salaysay na ang kasama nilang nagngangalang Mark Anthony Rosales ay may dala umanong powder drug subalit ang isa pa nilang nakasama na si Louie De Lima ang tanging tumanggap nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay sa bath tub ng room 2209 ng City Garden Hotel sa Makati ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera.

Nadakip ang tatlo sa itinuturing na suspek sa pagkamatay nito subalit pinakawalan din dahil sa kakulangan umano ng ebidensya.

Naihatid na sa huling hantungan si Dacera noong Enero 10, isang araw matapos makunan ito ng tissue samples ng forensic team ng NBI.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel