Mga artista, umalma sa not guilty plea ni Jonel Nuezca

Mga artista, umalma sa not guilty plea ni Jonel Nuezca

- Si Jonel Nuezca ay inaresto ilang linggo na ang nakakaraan matapos niyang barilin ang isang mag-ina sa Tarlac

- Maraming netizens ang umalma matapos lumabas ang balita na ‘not guilty’ ang plea ni Nuezca

- Ang mga artistang sila Ciara Sotto at Gil Cuerva ay hindi makapaniwala sa bagong balita ukol kay Nuezca

- Si Andrea Brillantes naman ay nag-post na lang ng LOL (laugh out loud) at ilang clown emojis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ang pulis na si Jonel Nuezca ay inaresto ilang linggo na ang nakakaraan matapos niyang barilin ang mag-inang Sonia at Frank Gregorio sa Tarlac.

Mga artista, umalma sa not guilty plea ni Jonel Nuezca
Photo: Jonel Nuezca (via Peach Prosa)
Source: Twitter

Matapos lumabas ang balita na ‘not guilty’ ang plea ni Nuezca, maraming netizens ang umalma rito.

Kabilang na dito ang mga artistang sila Ciara Sotto at Gil Cuerva, na talagang hindi makapaniwala sa bagong balita ukol kay Nuezca.

Read also

Luna Agoncillo, nagdiwang ng kanyang ika-5 taong kaarawan

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ciara Sotto: “Whaaaaaaat?!!! NOT GUILTY?!!! Anutoh?! First galit ko ito ng 2021”

Gil Cuerva: “How do you plead not guilty when you were literally caught on video... like how do you even have the audacity to deny something you did that was caught on camera?”

Bilang reaksyon sa nasabing balita, si Andrea Brillantes naman ay nag-post na lang ng LOL (laugh out loud) at ilang clown emojies.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jonel Nuezca ay ang suspek sa pamamaril sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio sa Paniqui, Tarlac. Isa siyang pulis na assigned sa Parañaque City Crime laboratory.

Naging laman siya ng headlines matapos kumalat ang video ng kanyang pagpaslang sa nasabing mag-ina. Makikita sa video na nakayakap si Sonya sa kanyang anak nang sila ay barilin ng pulis.

Read also

Meryll Soriano, binalikan ang pinagdaanan habang nagbubuntis hanggang siya ay nanganak

Tumakas noong una si Nuezca pero ito ay sumuko rin sa mga awtoridad sa Pangasinan. Ito ay kinumpirma ni Paniqui Police Chief Lt. Col. Noriel Rombaoa.

Ang pinag-mulan ng away nila Nuezca at ang Gregorio family ay ukol sa “right-of-way” at sa “boga.” Ang boga ay isang noisemaker na gawa mula sa PVC pipe.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Daniel Joseph Navalta avatar

Daniel Joseph Navalta