Dalawa pang kasama ni Dacera, nakita sa CCTV ang umano'y pagtatalo ng mga ito

Dalawa pang kasama ni Dacera, nakita sa CCTV ang umano'y pagtatalo ng mga ito

- Panibagong CCTV footage kaugnay sa Christine Dacera case ang ibinahagi ng isang reliable source ng PNP

- Makikita ang dalawa pang nakasama ni Dacera ilang oras bago siya matagpuang wala nang buhay

- Mapapansing tila nagtatalo umano ang dalawa matapos na sunduin ni Valentine Rosales si Dacera mula sa room 2207 pabalik sa kwarto nila na room 2209

- Pinangalanan na rin ang dalawa pang personalidad na ito na kasama sa mga iniimbitahan na ng pulisya upang magbigay ng salaysay kaugnay sa kaso ni Dacera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa na namang CCTV footage na kuha sa hallway ng mga huling oras ni Christine Dacera ang ibinahagi ng mapagkakatiwalaang source mula sa PNP.

Nalaman ng KAMI na sa mga bagong video clips ay makikita ang dalawa pang personalidad na nakasama umano ni Dacera sa room 2209 at room 2207.

Read also

Sekyu na umalalay kay Dacera, sinabing maayos umano ang wheelchair na ginamit nila

Sa video na ibinahagi ng GMA News, makikita ang pagsundo ni Valentine Rosales sa kaibigang si Christine Dacera sa room 2207 bandang 6:20 ng umaga ng Enero 1.

Dalawang kasama ni Christine Dacera, sapul sa CCTV ang umano'y pagtatalo ng mga ito
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ilang minuto lamang ang lumipas, nakunan na di umano'y nagtatalo ang dalawang mula sa room 2207 na sina Edward Madrid at Joseph Darwin Macalla.

Si Madrid ay isa sa 11 ka-tao ng room 2209 habang si Macalla naman ay isa sa walong personalidad na mula sa room 2207.

Kasama ang dalawang napangalanang ito sa iniimbitahan ng mga awtoridad na magbigay ng salaysay kaugnay sa kaso ng pagkamatay ni Dacera.

Samantala, nagbigay na ng ilang pahayag ang National Bureau of Investigation tungkol sa isinasagawa nilang imbestigasyon at inaasahang mailalabas nila ang opisyal na resulta ngayong linggo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Isa sa mga nadidiin sa Christine Dacera case, hairstylist umano ng ilang celebrity

Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera sa bath tub ng tinuluyang kwarto sa City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Naaresto ang tatlo niyang kasama subalit napalaya rin dahil sa kakulangan sa ebidensya.

Subalit patuloy pa ring nadidiin ang mga kasama ni Dacera nang magdiwang ito ng Bagong Taon sa nasabing Hotel. Kaya naman naisipan ng ilang mga nakasama ni Dacera sa pangunguna ni Valentine Rosales na humingi na ng tulong at donasyon upang makakuha umano sila ng abogado na dedepensa sa kanila sa kaso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel