Sekyu na umalalay kay Dacera, sinabing maayos umano ang wheelchair na ginamit nila
- Isa sa mga nagbigay ng salaysay kaugnay sa Christine Dacera case ay ang security guard na umalalay sa flight attendant
- Ayon sa sekyu, maayos ang kondisyon ng wheelchair na kanilang ginamit sa pagdadala kay Dacera sa clinic
- Hindi raw umano pwedeng masugatan ang flight attendant sa wheelchair na kanilang ginamit
- Nadagdagan na ng dalawang pang pangalan ang mga sinasabing kasama ni Dacera na ang isa ay mula sa room 2207
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa pag-usad ng kaso ng pagkamatay ni Christine Dacera, sinasabing isa ang security guard ng hotel ang nagbigay ng kanyang salaysay kaugnay sa nangyari.
Base sa ulat ni Emil Sumangil ng GMA News, nakuha nila mula sa isang mapagkakatiwalaang source sa Philippine National Police ang bahagi ng pahayag ng security guard.
Nalaman ng KAMI na ang naturang sekyu umano ang isa sa mga umalalay kay Dacera nang ilagay na ito sa wheelchair para madala umano sa clinic ng hotel.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Sinabi ng sekyu na maayos umano ang kondisyon ng wheelchair na kanilang ginamit. Imposible raw na magkapasa o magkasugat ang flight attendant dahil sa wheelchair tulad ng mga sinasabi ng kanyang mga kaibigan.
Una nang nabanggit ng mga kasama ni Dacera na wala umanong leg rest ang naturang wheelchair kaya makailang beses na dumudulas o nahuhulog ang dalaga. Minabuti nilang buhatin ang binti nito habang nakaupo pa rin sa wheelchair si Christine.
Samantala, pinangalanan na rin ang dalawang pang mga nakasama ni Dacera na ang isa ay mula pa sa room 2207, ang isa pang silid na pinupuntahan ng flight attendant.
Ang dalawang ito ay sina Edward Madrid at Joseph Darwin Macalla na nakunan pa umano ng CCTV na tila nagtatalo sa hallway ng hotel sa tapat ng kwarto nina Dacera.
Base sa time stamp ng CCTV, naganap ang sinasabing pagtatalo ilang minuto lamang ito mula nang sunduin na ni Valentine Rosales si Dacera mula sa Room 2207.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na si Christine Angelica Dacera sa bath tub ng City Garden Grand Hotel sa Makati City.
Naaresto ang tatlo sa kanyang mga nakasama ngunit napakawalan din umano ang mga ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng NBI sa kaso ni Dacera at inaasahang maglalabas umano sila ng resulta ngayong linggo.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh