Isa sa mga nadidiin sa Christine Dacera case, hairstylist umano ng ilang celebrity

Isa sa mga nadidiin sa Christine Dacera case, hairstylist umano ng ilang celebrity

- Ikinagulat ng ilang mga celebrities ang pagkakasangkot umano ng pangalan ni Mark Anthony Rosales sa Christine Dacera case

- Kasama umano si Rosales sa 11 mga nasa room 2209 na nadidiin pa rin sa pagkamatay ni Dacera

- Disente, tahimik, at magalang sa kapwa ang pagkakakilala ng marami kay Rosales lalo na ay may-ari ito ng isang kilalang salon sa San Juan City

- Naging matunog ang pangalan ni Rosales nang isalaysay ni Rommel Galido, ang kaibigan ni Dacera na pinagsabihan nito na tila may nailagay si Rosales sa kanyang inumin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa ang celebrity hairstylist na si Mark Anthony Rosales sa nasasangkot ngayon sa pagkamatay ni Christine Dacera.

Nalaman ng KAMI na si Rosales ay kilalang hair expert lalo na ng mga Kapuso Stars ang ilang Pinay beauty queens.

Read also

Sekyu na umalalay kay Dacera, sinabing maayos umano ang wheelchair na ginamit nila

Kaya naman, nagulat ang mga nakakakilala sa kanya nang madawit ang kanyang pangalan sa kontrobersyal na pagpanaw ng flight attendant na si Christine Dacera.

Isa sa mga nadidiin sa Christine Dacera case, hairstylist umano ng ilang Kapuso Stars
Photo: Christine Angelica Dacera (@xtinedacera)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa PEP, may-ari ng sikat na salon si Rosales sa San Juan City. Bago pa man maganap ang umano'y party nina Dacera at mga kaibigan nito kung saan kasama si Rosales, isa sa mga naging kliyente niya si Andrea Torres sa isang photo shoot nito.

Madalas din siyang mapagkatiwalaan ng isa pang Kapuso actress na si Gabbi Garcia pagdating sa kanyang buhok.

Base man sa ulat ng Inquirer, naging matunog ang pangalan ni Mark Rosales nang isalaysay ni Rommel Galido, ang paglapit sa kanya ni Dacera at sinabing tila may inilagay sa kanyang inumin si "Mark" dahilan para umano biglang sumakit ang kanyang ulo.

Read also

Dalawa pang kasama ni Dacera, nakita sa CCTV ang umano'y pagtatalo ng mga ito

Sa sinumpaang salaysay din ni JP Dela Cerna na ibinahagi ng GMA News, isa sa mga kasama ni Dacera, nakita umano nito ang pagkuha umano ni Mark ng sinasabing party drúgs na nasa maliit na supot na kinuha niya sa kanyang medyas.

Sa ngayon, naka-private mode umano ang mga social media accounts ni Rosales na hanggang ngayon ay hindi pa umano naglalabas ng kanyang pahayag kaugnay sa kaso ng flight attendant.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tanghali ng Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera sa bath tub ng City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Naaresto ang tatlo niyang mga kasama subalit napalaya rin dahil sa kakulangan umano ng ebidensya.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng NBI na may 'very encouraging evidence' na nakita na malaki ang maitutulong sa paglutas ng kaso ni Dacera.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel