Valentine Rosales, inalalang nagka-interes umano si Dacera sa basketball player ng rm. 2207

Valentine Rosales, inalalang nagka-interes umano si Dacera sa basketball player ng rm. 2207

- Inalala ni Valentine Rosales na nabanggit sa kanya ni Christine Dacera na nagka-interes umano ito sa basketball player na nasa room 2207

- Sa panayam sa kanila ni Boy Abunda, hayagang sinabi ni Rosales ang nasabi sa kanya ni Dacera tungkol sa basketball player na "handsome" daw

- Ang lalaking tinutukoy ni Rosales ay ang basketball player na si Justin Rieta na kumpirmadong nasa room 2207

- Isa umano si Rieta sa mga nagpaunlak ng paanyaya ng NBI upang magbigay ng sinumpaang salaysay kaugnay sa pagkamatay ni Dacera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa mga naibulalas ni Valentine Rosales ang nabanggit umano sa kanya ni Christine Dacera na may napansin umano itong "handsome" na basketball player sa room 2207.

Nalaman ng KAMI na si Valentine Rosales ay isa sa mga kaibigan ni Christine Dacera na kasama niyang nag-party bilang pagsalubong sa Bagong Taon sa isang hotel sa Makati.

Read also

Mga akusado sa Christine Dacera case, emosyonal sa interview sa kanila ni Boy Abunda

Sa panayam sa kanila ng batikang talk show host na si Boy Abunda, inalala ni Rosales ang nabanggit sa kanya nito tungkol sa isang basketball player na nasa room 2207.

Valentine Rosales, inalalang nagka-interes umano si Dacera sa basketball player ng rm. 2207
Photo: Valentine Rosales (@valentinersls)
Source: Instagram

Naitanong kasi ni Abunda kung ano ang posibleng dahilan kung bakit makailang beses na bumabalik si Dacera sa kabilang kwarto.

"I don't want to confirm anything, but I remember Tin telling to me na there's someone handsome in Room 2207. One guy," panimula ng paliwanag ni Rosales.

"I actually looked at him, he doesn't look straight."

"Kasi sometimes if you see someone, hindi mo malalaman kung straight or not."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon pa kay Rosales, inakala rin umano niyang bakla ang lalaking ito dahil lahat daw ng nasa room 2207 ay pawang mga tulad nila.

"Since they're all gays, I assumed he's also gay."

Read also

Valentine Rosales, muling humingi ng paumanhin sa mga nasabi tungkol sa mga tao ng rm. 2207

"Tin told me that he was a basketball player. She said, 'hindi 'yan gay, basketball player 'yan.'

"Then I said, 'Oh... I'm not sure, because he looks...'"

"So I just shrugged it off and then I said, 'Okay, I'll just go back to the other room," salaysay ni Rosales.

Matatandaang si Rosales din ang makailang beses na sumundo kay Dacera sa tuwing pumupunta ito sa room 2207.

Sinabuhan pa raw umano ni Rosales si Dacera na huwag nang bumalik sa kabilang silid gayung hindi nila kilala ang mga taong naroon.

Narito ang kabuuan ng panayam ni Boy Abunda sa limang akusado sa Christine Dacera na nagpaunlak ng interview:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Valentine Rosales ang isa sa mga kaibigan ng flight attendant na si Christine Dacera na nag-check in sa City Garden Grand Hotel noong Disyembre 31 bilang pagsalubong nila sa Bagong Taon.

Read also

Mga tao sa Room 2207 sa Christine Dacera case, sumipot na sa NBI

Sa kasamaang palad, tanghali ng Enero 1 nang matagpuan nilang wala nang buhay si Dacera sa bath tub ng kanilang silid.

Dahil sa hindi pa umano kumpirmado ang sanhi ng pagkamatay nito, itinuturing na suspek ang mga nakasama nito sa room 2209 gayundin ang pinupuntahan nitong isa pang silid, ang room 2207.

Dumalo sa preliminary hearing ang anim na mga kasama nina Dacera sa party bago ito binawian ng buhay. Ginanap ito noong Enero 13 sa Makati Prosecutor's Office.

Samantala, ang nasa 12 personalidad naman sa room 2207 kung saan kasama ang basketball player at dumating naman sa NBI upang magbigay ng kanilang sinumpaang salaysay kaugnay sa Christine Dacera case.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica