Valentine Rosales, muling humingi ng paumanhin sa mga nasabi tungkol sa mga tao ng rm. 2207

Valentine Rosales, muling humingi ng paumanhin sa mga nasabi tungkol sa mga tao ng rm. 2207

- Muling nag-sorry si Valentine Rosales sa mga nabitawan niyang salita sa mga tao sa room 2207

- Sa eksklusibong panayam sa kanila ni Boy Abunda, kinuha niya ang pagkakataon na makahingi ng paumanhin sa mga nasabi niya

- Nilinaw din ni Valentine na kaya lamang siya nagpabalik-balik sa room 2207 ay dahil sa sinusundo niya umano si Christine Dacera

- Isa rin umano siya sa mga nagsasabi kay Christine na huwag nang bumalik pa sa nasabing kwarto gayung di raw nila kilala ang mga naroon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi muli ng paumanhin ang isa sa mga kaibigan ni Christine Dacera na si Valentine Rosales tungkol umano sa mga nabitawan niyang salita tungkol sa mga taong nasa room 2207.

Maaalalang sa una nitong interview, nabanggit ni Rosales na mga "walang gwapo" at "matatandang bakla" umano ang mga nasa kabilang silid.

Mga akusado sa Christine Dacera case, emosyonal sa interview sa kanila ni Boy Abunda

Sa eksklusibong panayam sa kanila ni Boy Abunda, kinuha ni Valentine ang pagkakataon na muling mag-sorry sa mga nasabi niya sa mga taong nasa room 2207.

Valentine Rosales, muling humingi ng paumanhin sa mga nasabi tungkol sa mga tao ng rm. 2207

Photo: Valentine Rosales (@valentinersls)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"I just want to apologize on my first interview that I said that we're the medyo, kind of offensive, I'm really sorry it's just I was full of emotions that time," paliwanag ni Valentine.

"I just want to reiterate na 2207, I'm taking back what I've said, hindi kayo chaka," dagdag pa ni Valentine.

Sa kanyang Twitter post, una na rin siyang nagpahayag ng kanyang sorry sa nasabi niya sa grupo. Aminadong masyado siyang naging tensyonado sa interview kaya nakagamit umano siya ng mga "inappropriate words" para ilarawan ang mga nasa kabilang kwarto nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mga tao sa Room 2207 sa Christine Dacera case, sumipot na sa NBI

Si Valentine Rosales ang isa umano sa mga huling nakasama ng 23-anyos na si Christine Dacera nang magkaroon sila ng party bilang pagsalubong sa Bagong Taon.

Siya rin ang nakita sa CCTV na madalas na sumusundo kay Christine sa room 2207, ang isa pang kwarto na pinupuntahan ng dalaga.

Naganap na ang preliminary investigation sa kaso ng pagkamatay ni Dacera noong Enero 13 kung saan isa rin si Rosales sa dumalo kasama ng iba pang mga akusado tulad nina JP Dela Serna, Gregorio De Guzman, Rommel Galido.

Samantala, sa NBI naman, sumipot ang 12 na katao mula sa room 2207 upang magbigay ng kanilang sworn statement kaugnay sa kaso ni Dacera.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel