Rocco Nacino, nakatikim ng "spike" mula sa asawang libero na si Melissa Gohing

Rocco Nacino, nakatikim ng "spike" mula sa asawang libero na si Melissa Gohing

- Ibinahagi ng aktor na si Rocco Nacino ang nakakaaliw na pag-welcome niya sa asawa sa kanyang pinatayong bahay

- Ginulat niya ito nang papalabas ito ng kanilang banyo at napasigaw ang asawa niya dahil sa gulat

- Marami ang naaliw sa naging reaksiyon ni Melissa matapos siyang gulatin ng aktor dahil hinampas niya ito sa bandang likod ng balikat

- Matatandaang isinapubliko ng dalawa na kinasal sila noong January 21, 2021

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Rocco Nacino ang kanyang paraan ng pag-welcome sa kanyang asawa sa kanilang bahay.

Ginulat niya ito habang palabas ng kanilang banyo kaya napahiyaw ito at nakitawa na rin nang natawa si Rocco.

Maya-maya pa ay hinampas ni Melissa si Rocco sa bandang likod ng balikat dahil sa ginawa nito sa kanya.

Rocco Nacino, nakatikim ng "spike" mula sa asawang libero na si Melissa Gohing
Photo from Rocco Nacino (@nacinorocco)
Source: Instagram

Biro naman ni Rocco, nakalimutan niyang volleyball player pala ang kanyang asawa at malakas itong humampas.

Read also

Aiko Melendez, tinanong si Sec. Harry Roque kaugnay sa ilang maiinit na isyu

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilang reaksiyon ng netizens sa video na ibinahagi ng aktor:

Hampas ng volleyball player buti na lang libero. Pag nagkataon na spiker yari ka. Haha
Pang-spiker yung palo, hindi pang-libero! I don’t know which was funnier, your kulit laugh or Mel’s solid spike on your back.
No matter how hard ang pag kaka hampas ni Ate Melissa sa'yo Kuya Rocco halata pa rin na love na love ka niya! Best wishes, Kuya Rocco and Ate Melissa

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Rocco Nacino ay isang Kapuso actor na kabilang sa Pinoy adaptation ng hit K-drama na Descendants of The Sun.

Samantalang ang asawang si Melissa ay dating bahagi ng De La Salle Lady Spikers. Bahagi siya ng Creamline team ng Premier Volleyball League, at ka-team niya sina Michele Gumabao at Alyssa Valdez sa kasalukuyan.

Read also

OFW, masuwerteng naisasama ng kanyang mga amo sa iba't ibang bansa

Matatandaang nauna na ring lumabas ang bali-balita tungkol sa pagpapakasal ng magkasintahan noong 2018. Nilinaw ni Rocco ang tungkol sa isyung ito at ipinaliwanag na career muna niya ang uunahin niya noong panahong iyon.

Kamakailan ay ibinahagi ng aktor na natapos na ang kanyang ipinapatayong bahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel