OFW, masuwerteng naisasama ng kanyang mga amo sa iba't ibang bansa
- Ibinahagi ng isa nating kababayan ang kanyang karanasan sa paninilbihan sa ibang bansa.
- Laking pasalamat umano niya sapagkat lahat ng napuntahan niyang amo ay pawang mabuti ang pakikitungo sa kanya
- Nakakapunta pa siya sa iba't ibang lugar dahil isinasama rin siya ng kanyang employer
- Nakapagpundar na rin ng bahay ang OFW lalo na at di naman apektado ng pandemya ang kanyang trabaho
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Masasabing masuwerte ang overseas Filipino worker na si Mercy Renato na kahit nakailang amo na ito sa paninilbihan niya sa ibang bansa ay naging mabubuti naman ito sa kanya.
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na naibahagi niya mismo sa KAMI:
"Mercy Renato po name ko. Ngayon po, naka base ako dito sa Saudi as domestic helper. Pero nag-start ako noong 2008 sa Dubai.
Noong nasa Pinas ako, iba't ibang work po ang pinasok ko. Naging kasambahay po ako,naging secretary po ako sa isang company ng 5 years po. Naging sales lady ako sa isang mall, naging waitress. Pero hindi po ako graduate ng college. Walang imposible kung gusto mo at kaya mo gawin ang isang bagay. Kailangan lang self confidence. Kailangan humble ka sa lahat ng bagay always think positive. Kumbaga pulutin mo ang magagandang bagay at itapon mo ang mali.
Sinubukan ko mag-abroad para mas malaki ng kunti kinikita ko at para kahit papaano matustusan ko ng maayos pamilya ko that time.
May dalawang anak na ako pareho po lalake. Ang eldest ko is 10 years old ang youngest ko is 5 years old. Pangatlong amo ko na ito ngayon sa Saudi. Sa awa ng Diyos, mababait naman sila. Lahat ng amo ko na napuntahan ko ang babait pero sa magka-ibang way nga lang.
First employer ko yun yung halos libutin na namin ang Arab country. Everytime na nagt-travel sila lagi ako kasama kasi naka assign ako sa bata lang isang bata lang. Second employer ko sa Singapore ganun din pag nagma-Malaysia sila para lang kumain ng mga sea foods sinasama din nila ako.
Ngayon dito sa Saudi mababait din halos maikot ko na ang buong Saudi yata kakagala. Lahat ng amo ko na napuntahan nagkakataon na mahilig mamasyal at nagkakataon na kasama ako lagi.
Sa pandemic walang naging epekto sa akin kasi sumasahod ako at monthly nakakapagpadala ako sa family ko. Maliban lang sa pag-aalala ko sa pamilya ko regarding sa virus.
Ngayon, sa awa ng dios nakapagpatayo na ako ng simple at maliit na bahay. Katas ng pag-aabroad. Ang magandang naidulot sa pagtatrabaho ko sa ibang bansa is yung sahod. Lagi mo napapadalhan family mo especially mga anak mo. Alam mo na hindi sila nagugutom kumakain sila sa tamang oras.
Ang narealize ko sa isang pagiging OFW. Pag umalis ka ng Pilipinas. Baunin mo lagi ang lahat ng positive at magagandang bagay kumbaga. Wag mo laging iisipin aalis ako para makapagyabang ako or aalis ako para makaganti ako sa mga umaapi sa akin. Baunin mo lagi ang aalis ako para sa pamilya ko para sa mga anak ko. Especially dalhin mo lagi ang kabutihang loob para pagdating mo sa pupuntahan puro kabutihan din ang sasalubong sayo. Bibigyan Ka ng ios ng maayos na employer maayos na mga taong pagsisilbihan mo."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakatutuwang isipin na dumarami na ang mga kababayan nating nangingibang bansa na nakapagpupundar agad ng ari-arian para sa kanilang pamilya.
Tulad ni Mercy, ilang mga OFW na rin ang nakapagpatayo na ng sarili nilang bahay sa loob lamang ng ilang taon na pagtatrabaho abroad.
Ang iba, bukod sa sariling bahay, mayroon na ring lupain at negosyo na siya raw nilang payayabungin upang makasama na lamang ang pamilya na nasa bansa at hindi na muling mawalay pa sa kanila para lang magtrabaho sa ibang bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh