Instant yayaman! Lumang barya, maaaring maibenta nang humigit-kumulang 1 milyong piso
- Ayon sa mga coin collectors, malaki daw ang halaga ng 1906 US-Philippine Coin
- Maibebenta daw ito nang humigit-kumulang isang milyong piso
- Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, gawa daw ito sa 90% silver
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ibinunyag ng mga coin collectors ang tumataginting na halaga ng isang lumang piso na una nang lumabas noong taong 1906.
Nalaman ng KAMI na ang tinutukoy na lumang barya ay ang 1906 San Francisco US-Philippine Coin o tinaguriang King of Philippine Coin.
Ayon sa mga eksperto sa barya, nagkakahalaga daw ito ng humigit-kumulang isang milyong piso.
Bukod kasi sa gawa ito sa 90% silver, 250 piraso na lang daw ang mayroon nito sa buong mundo.
Ang sinasabing barya ay may sagisag ng Estados Unidos sa kabilang banda at isang Pinay kasama ang tanyag na Bulkang Mayon sa isa pang parte nito.
Paliwanag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), totoo daw na may ganitong klaseng barya na naipakalat noong panahon ng pananakop ng America sa bansa.
“It was minted in the US and was brought here. Tinanggal agad sa circulation kasi masyadong mataas yung silver content kaya feeling nila dun sa 1 peso, sayang naman yung silver. Kaya niliitan nila,” ayon sa tagapagsalita ng BSP.
Narito ang video:
Nasuri daw ang lumang barya ng Professional Coin Grading Service na nakabase sa California at binigyan ito ng gradong Mint State 62 na Top 2 sa mga coins sa buong mundo.
What will you do if someone walks up to you and your girlfriend in the street and ask you for her number? It’s a pretty awkward situation, isn’t it? You just need to imagine how you would react, while the “victims” of this Philippines prank had to answer this question! – on HumanMeter!
Source: KAMI.com.gh