OFW, ipinagsa-shopping ng amo sa bawat bansang pinupuntahan nila
- Bukod sa kasama ang OFW sa pagta-travel ng kanyang amo sa iba't ibang bansa, ipinagsa-shopping pa siya nito
- Mapa-damit, bag, sapatos, alahas, halos lahat ng maari nitong mabili sa pagbisita nila sa iba-ibang lugar ay ibinibili sa kanya ng kanyang amo
- Maayos din ang kanyang kinita kaya naman bukod sa bahay, mayroon na siyang mga motorsiklo at tricycle na naipundar
- Masaya ang OFW na naibibigay ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya habang siya ay nasa mabubuting kamay naman ng kanyang employer
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Parang naka-jackpot ang kababayan nating si Elma Setenta na isang OFW sa Ghana, africa.
Mababait ba naman ang napuntahan niyang amo na bukod sa pagsasama sa kanya sa mga out of town trips nito ay nagagawa pa siyang ipag-shopping.
Kaya naman sobrang happy si Elma sa pagtatrabaho sa kanyang employer na maayos din ang pasahod.
Dahil dito, nakapundar na siya ng mga ari-arian. Masaya ang OFW sa kanyang hanapbuhay habang panatag naman ang loob niya dahil nasa maayos na kalagayan din ang kanyang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas.
Narito ang kabuuan ng kanyang kwento na naibahagi niya sa KAMI:
"Ako po si Elma Setenta. Dito po ako sa Accra, Ghana sa West Africa. 10 taon na po akong babysitter dito.
Wala po akong trabaho sa Pinas sa bukid lng. Nag-abroad ako kasi mahirap at wala kaming panggastos sa araw-araw lalo at may anak akong dalawang taon. Dati maayos ang pagsasama namin mag-asawa at simula nag-abroad ako, naghiwalay din kami at yung anak ko nasa kanya at sinusuportahan ko buwan-buwan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Masasabi kong napakabait nang mga amo ko kasi di nila ako tinuring na katulong. Dinadala ako kahit 'sang bansa. Kung ano kinakain nila, ganun din sa akin. Pag nasa travel kami, binibilhan din ako ng mga amo ko ng mga damit sapatos mga alahas bags, lahat.
Marami pa akong napuntahan like indonesia, Thailand, South Africa, Amsterdam
Sa pandemic naman, walang epekto sa amin masyado kasi ganun pa rin nagsasahod ng maayos kumakain ng maayos at kababalik nga lng namin galing sa Dubai.
Marami na rin akong naipundar sa awa ng Diyos. Nakapagpatayo ako ng bahay ng parents ko. May 3 motor, isang tricycle at nakabili na din ako ng lupa. Napagtapos ko din kapatid ko sa kolehiyo at sa ngayon nandito rin siya sa abroad . Iisa lng amo namin pero yung work niya sa shop. Bale Siya yung tagahawak ng kaha. Tapos natulungan ko rin isa kung kapatid na makapunta ng Dubai. Ngayon, 7 years na siya doon.
Ang magandang naidulot ng pagtatrabaho sa ibanag bansa ay nabigyan ko ng maayos at magandang pamumuhay ang pamilya ko. Yung dati na tipid kami at kahit saan-saan nangungutang yung nanay namin. Ngayon nag-eenjoy na lang sila kasi naibigay ko na sa kanila ang magandang buhay.
Ang pagiging OFW ay mahirap pero kung maswerte ka sa amo mo, blessing na yun. At talagang napakaswerte ko na siguro kasi napuntahan ko yung mga bansa na dati ay nasa panaginip lang.
Mga dati ay impossible ngayun posible na dahil sa mga amo ko at nagpasalamat ako sa Panginoon sa lahat ng biyaya na kanyang ipinagkaloob sa akin.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa si Elma sa masasabi nating naging mapalad sa pangingibang bansa. Habang mayroon tayong nababalitaan na namamaltrato ng amo at inaabuso, mayroon naman din na tulad ni Elma na nagbago ang buhay dahil sa kabutihan ng amo na itinuring silang di na iba sa kanilang pamilya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh