OFW, mala-pelikula ang mga napuntahang lugar dahil sa mabait na amo
- Mapalad ang OFW na nakapunta sa iba't ibang bansa dahil sa amo niyang madalas mag-travel
- Napakabait daw ng kanyang employer maging ang mga anak nito na ramdam niya ang respeto sa kanya
- Maayos din ang pasahod ng mga ito sa kanya kaya naman nagkaroon na siya ng sariling bahay at sakahan
- Matapos ang walong taong pangingibang bansa, uuwi na si sa Setyembre upang makapiling na ang kanyang mga mahal sa buhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa sa mga masusuwerteng OFW ang kababayan nating si Anskie Fullon na nakapag-travel sa iba't ibang bansa dahil sa mababait niyang amo.
Ang maganda pa sa kanyang kalagayan, maging ang mga anak ng kanyang employer ay mabubuting tao at ramdam niya ang respeto ng mga ito sa kanya.
Maayos ang pasahod sa kanya na siyang dahilan kung bakit nakapagpundar na siya ng sariling bahay at sakahan na kanya na lamang pagyayamanin sa pag-uwi niya ngayong Setyembre.
Sa dami kasi ng kanyang nakamit at narating, napagdesisyunan na niyang bumalik na ng Pilipinas at hindi muling maninilbihan sa ibang bansa.
Narito ang kabuuan ng kwento ni Anskie na kanya mismong ibinahagi sa KAMI:
"Ako po si Anskie Fullon. Isa akong 'nanny' sa Abu Dhabi. 37 years old at walong taon na ako dito. I'm planning to retire this Sept.
Pagka-graduate ko sa education, nag process ako ng papers kasi gusto ko talaga mag-explore at bigyan ang mother ko ng good life at matupad yung dream ko na magkaroon ng kahit kunting ipon. Pero sad to say, pumanaw na si Mama last October 2020.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
My long time boyfriend po ako at magpapakasal na kami.
Super bait amo ko at mga alaga ko. Di po nila ako ginugutom at nirerespeto po nila ako pati mga alaga ko. Kaya masasabi kong super blessed po talaga ako.
First time ko abroad at every travel nila sinasama nila ako sumakay ng private airplane at helicopter.
First travel sinama nila ako sa South Korea to Hong Kong. From Hong Kong to Macau. Next, Japan, China, Vancouver Canada, Switzerland, Denmark to Norway from Sweden to Milan to Switzerland. Then Los Angeles California to San Diego USA.
Kung di lang pandemic naka-plan sana na bumalik kami ng America sa San Fransisco to Las Vegas then to Texas.
Ang mga naipundar ko, lupang sakahan at sariling bahay na dream ko po.
Ang naidulot sa akin sa pagtatrabaho ko sa ibang bansa. Need po maging wise sa sahod. Dapat lahat may plano. At lagi mag-isip ng plano para sa future di na maranasan maghirap ulit tulad dati na wala talaga kaming makain."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tulad ni Anskie, isa ring kababayan nating ang nakapagpundar na ng sariling bahay na katas ng kanyang pangingibang bansa.
Mayroon din naman na bukod sa sariling bahay ay mayroon pang negosyo na kanilang palalaguin upang hindi na muling iwan pa ang pamilya para lang magtrabaho abroad.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh