Single mom na OFW, proud sa sariling bahay at negosyong naipatayo sa iisang gusali

Single mom na OFW, proud sa sariling bahay at negosyong naipatayo sa iisang gusali

- Ibinahagi ng isang OFW ang kanyang naipundar na kung tawagin ay niya ay 'smart house'

- Naisip daw niya ito dahil bukod sa ito ang sarili niyang bahay, may ilang negosyo pa siyang pwedeng gawin sa gusali

- Lahat ng kata ng kanyang sakripisyo at paghihirap ay nakamit niya sa edad na 37

- Magsilbi raw sanang inspirasyon ang kanyang kwento sa mga kapwa OFW na huwag tigilan ang pangarap dahil makakamit din nila umano ito balang araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Single mom na OFW, proud sa sariling bahay at negosyong naipatayo sa iisang gusali

Ang "smart house" ni Lyn (source: supplied)
Source: UGC

Nakaka-good vibes ang kwentong ibinahagi ng overseas Filipino worker na si Lyn Ventura dahil sa ipinakita niya ang naging katas ng mga paghihirap at sakripisyo niya sa abroad.

Ayon kay Lyn, naipatayo na niya ang tinatawag niyang 'smart house' para sa kanyang pamilya.

Hindi lamang kasi ito bahay na kanyang naipundar para sa sarili. Isa rin itong negosyo na maaring pagkakitaan ng kanilang mag-anak.

Sa unang palapag kasi ay maari raw gawing salon o grocery store ang bahagi ng kanyang bahay. Sa ikalawang palapag naman ang kanya na mismong tahanan at ang rooftop ay maari raw niyang paupahan para sa munting pagtitipon.

Labis ang pasasalamat niya sa Diyos dahil nakamit na niya ang lahat ng ito sa edad niyang 37.

Masaya rin daw siyang naiparanas ang maginhawang buhay sa kanyang pamilya lalong-lalo na sa kanyang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kabuuan ng kwento ng 'smart house' ni Lyn na kanyang ibinahagi sa KAMI:

"Gusto ko lang pong i-share sa mga kapwa ko OFW yung pangarap ko para sa pamilya ko na natupad ko nang dahil sa paggabay ni Lord God.
Lahat po ay matutupad natin basta mgtiwala tayo sa ating kakayahan, magsikap at maging madiskarte sa buhay, anuman ating trabahuhin palagi nating galingan at mgbutihan.
Bilang OFW kahit malayo ako sa aking anak at single mother ako, nagsumikap akong marating ang aking narating ngayon para sa aking pamilya.
Mahirap maging malayo sa pamilya ngunit nagsikap ako upang mai-ahon ko sa hirap ang aking pamilya.
Salamat po sana po panoorin nyo po ang aking smart house. Smart house po dahil di lang po siya bahay, kumikitang bahay po siya.
Sa ground floor my dalawang commercial space po na pwedeng lagyan ng grocery o salon na pwede pong pagkakitaan.
Yung 1st floor po bahay ko po at ng aking anak. Yung rooftop po pwede pong pagdausan ng mga small gathering para sa mga small parties. Salamat po! sana po makatulong sa ibang nangangarap din po na mga OFW."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakatutuwang isipin na nagbunga ng maganda ang mga paghihirap ng ating kababayang OFW.

Hindi biro ang kanilang pinagdaanan sa abroad at isa na nga sa pinakamahirap na kanilang tiniis ay ang mawalay sa kanilang pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel