Vice Ganda, kinumpara ang COVID-19 vaccine sa sabong panlaba

Vice Ganda, kinumpara ang COVID-19 vaccine sa sabong panlaba

- Hindi nga naiwasan ni Meme Vice Ganda ang magbigay ng kanyang opinyon kaugnay sa mainit na usapin sa COVID-19 vaccine

- Sa kanyang latest tweet ngayong araw, ikinumpara ni Vice ang vaccine sa sabong panlaba

- Ani Vice, kung sa sabong panlaba nga ay choosy ang mga Pinoy lalo na sa vaccine

- Kasunod ito ng naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat maging "choosy" ang mga Pinoy sa vaccine para sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi nga naiwasan ng Kapamilya Star na si Vice Ganda na magbigay ng opinyon kaugnay ng mainit na usapin sa COVID-19 vaccine sa bansa.

Sa kanyang latest tweet ngayong araw, ikinumpara ng komedyante ang vaccine sa sabong panlaba.

Ani Vice, kung sa sabong panlaba nga ay mapili ang mga Pilipino lalo na sa vaccine.

NBI on Christine Dacera case: "Despite the odds, may mga encouraging evidence kami"
Hirit ni Meme! Vice Ganda, kinumpara ang COVID-19 vaccine sa sabong panlaba

Photo: Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!"

Ang tweet ni Vice, kasunod ng naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi dapat maging "choosy" ang mga Pinoy sa vaccine para sa COVID-19.

"Wala pong pilian, wala po kasing pilitan... Tama lang naman po 'yan, walang pilian kasi hindi naman natin mako-control talaga kung ano'ng darating at libre po ito," ani Roque.

"Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman po pwede na pihikan dahil napakaraming Pilipino na dapat turukan," dagdag pa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vice Ganda ay kilalang comedian, actor, endorser at host sa bansa. Sumikat ito nang mapasama sa isa sa mga host ng Kapamilya noontime show na "It's Showtime". Nobyo niya si Ion Perez.

Willie Revillame, ipinaliwanag ang pagkawala ni Ariella Arida sa 'Wowowin'

Sa isa pang report ng KAMI, hindi naiwasan ni Vice ang punahin ang naging reaksyon ng kanyang BF na si Ion at ni Ate Girl Jackie nang "mahuli" niya itong nagkatinginan.

Kamakailan din ay ipinasilip ni Vice ang kanyang walk-in closet sa kanyang house tour.

POPULAR: Read more news about Vice Ganda

Please always like and share all of our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading about your thoughts and views on different matters! Thank you for all of your support!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel