Vice Ganda, pinakita ang nakakaintrigang walk-in closet sa ikalawang bahagi ng house tour

Vice Ganda, pinakita ang nakakaintrigang walk-in closet sa ikalawang bahagi ng house tour

- Sa ikalawang bahagi ng kanyang "valur" tour matapos niyang makalipat na, ipinakta ni Vice Ganda ang pinakaabangang walk-in closet niya

- Kabilang din sa kanyang ipinakita ay ang master bedroom at ang unang araw ng paglipat nila sa bagong bahay

- Muling binalikan ng TV host ang dating bahay nila sa Bluementritt na umano'y may lapida sa bandang CR nila

- Marami ang naantig sa mensahe ni Vice Ganda sa kapwa niya komedyanteng si Negi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pangalawang bahagi ng kanyang house tour, ibinahagi ni Vice Ganda ang ibang bahagi ng kanyang bagong bahay na hindi niya pa naipakita sa naunang bahagi ng tour.

Unang pinakita niya ay ang master bedroom kung saan makikita ang isang malaking kama na may reclining feature.

Mayroon ding malaking TV at sa kanyang CR ay ang bath tub na sinasabing nagkakahalaga ng P800,000 piso.

Read also

Kaibigan ni Toni Fowler, napaiyak dahil sa pinagdadaanan ng kaibigan

Vice Ganda, pinakita ang nakakaintrigang walk-in closet sa ikalawang bahagi ng house tour
Vice Ganda (Photo from Flickr)
Source: UGC

Agaw-pansin din ang walk-in closet na dati pang pinag-uusapan ng mga netizens dahil sa lawak nito. Punong-puno na ito ng kanyang mga sapatos, bag at mga damit na halos lahat ay mamahalin ang tatak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Vice, kaya si Negi ang una niyang inimbitahan sa kanyang bahay niya dahil nais niyang ibahagi kay Negi kung paano siya na-ispire sa isang kakilala niya na nagpalakas ng loob niya at nagsabing kaya niya rin maabot ang kanyang mga pangarap.

Nakikita umano ni Vice ang sarili niya kay Negi dahil kagaya niya, lumaki din ito sa isang lugar na matatawag na slum area.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang concert.

Read also

Rob Moya, ibinahagi ang sakit na dinanas sa paghihiwalay nila ni Toni Fowler

Samantala, kamakailan ay kinaaliwan ang video ni Vice Ganda kung saan sinubukan niyang maging empleyado ng isang kainan.

Naging usap-usapan din ang video ng TV host kung saan makikita kung paano sila inilikas sa cottage na kanilang tinutuluyan nang humagupit ang bagyong Ulysses.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel