Vice Ganda, ibinahagi ang video ng hagupit ng Bagyong Ulysses sa Balesin

Vice Ganda, ibinahagi ang video ng hagupit ng Bagyong Ulysses sa Balesin

- Ibinahagi ni Vice Ganda ang isang video na kuha sa kanilang bakasyon sa Balesin

- Nagkataon na sa panahon ng kanilang pamamalagi doon ay tumama ang Bagyong Ulysses

- Kinailangang lumipat nila Vice ng villa matapos masira ang mga katabi nilang mga villa dahil sa lakas ng bagyo

- Malaki naman ang pasasalamat ng TV host na sa kabila ng kanilang karanasan ay ligtas silang nakabalik sa Manila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang YouTube Channel, ibinahagi ni Vice Ganda ang kanilang karanasan sa Balesin sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses kamakailan.

Kasama ng TV host si Ion Perez pati na rin ang kanyang personal assistant. Nakapaglibot pa sila sa ilang bahagi ng isla bago tumama ang bagyo sa Balesin.

Gayunpaman, unti-unti nang lumakas ang ulan at hangin kaya namalagi na lamang sila sa loob ng kanilang villa.

Ginang, nanganak sa kasagsagan ng rescue operations sa Tuguegarao
Vice Ganda, ibinahagi ang video ng hagupit ng Bagyong Ulysses sa Balesin

Vice Ganda (Photo from Flickr)
Source: UGC

Nakuhanan din ng video ang pagkawala ng kuryente dahil sa lakas ng bagyo. Kinailangan nilang lumikas sa mas ligtas na lugar dahil malapit sila sa dagat.

Maging si Moira Dela Torre at asawa nito ay lumikas na rin matapos masira ang bubong ng kanilang tinutuluyang villa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinaumagahan, kitang-kita ang pinsalang iniwan ng bagyo. Bukod sa mga sirang villa, may mga halaman ding bumagsak.

Sa kabila ng kanilang pinagdaanan, nagpasalamat si Vice na ligtas pa rin sila. Walang-wala umano ang kanilang pinagdaanan sa mga naranasan ng mga binaha at nanganib talaga ang buhay. Naglunsad siya ng donation drive para sa mga lubhang naapektuhan ng bagyo at matinding pagbaha.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Viral na sanggol na nasa palanggana dahil sa baha, ligtas gayundin ang kanyang pamilya

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya.

Matapos tuluyang maibasura ang prangkisa ng ABS-CBN, muling nakabalik sa pag-ere ang It's Showtime sa pamamagitan ng ZOE-11. Naging usap-usapan ang pagbanggit ni Vice sa katapat nitong noontime show sa GMA-7, ang Eat Bulaga!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel