Harry Roque, bumuwelta kay Vice Ganda ukol sa bakuna at sabon

Harry Roque, bumuwelta kay Vice Ganda ukol sa bakuna at sabon

- Tila nagpasaring nga ang tagapagsalita ng pangulo na si Harry Roque sa "komedyanteng" si Vice Ganda ukol sa mainit na usapin sa bakuna kontra-COVID

- Ayon kay Roque, hindi naman daw dapat na ikumpara ang COVID-19 vaccine sa sabong panlaba

- Dagdag pa nito, dapat ay sa mga eksperto maniwala ang taong-bayan at hindi sa "komedyante"

- Matatandaang sinabi ni Vice na nararapat lang na maging choosy sa bakuna ang mga Pinoy dahil kahit sa sabong panlaba ay mapili na raw ang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila nagpasaring nga ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Harry Roque sa naging pahayag ng komedyante at Kapamilya Star na si Vice Ganda.

Kaugnay pa rin ito ng mainit na usapin ukol sa COVID-19 vaccine sa bansa.

Ayon kay Roque, hindi naman daw dapat na ikumpara ang COVID-19 vaccine sa sabong panlaba.

Read also

Toni Gonzaga, ibinigay ang TF sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho

Harry Roque, bumuwelta kay Vice Ganda ukol sa bakuna at sabon
Photo: Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dagdag pa nito, dapat ay sa mga eksperto maniwala ang taong-bayan at hindi sa "komedyante".

"Mali namang ikumpara ang bakuna sa sabong panlaba. Wala namang supply na ganoon kadami. Kung hindi pagtitiwalaan ang mga expert, na tatlong batches pa ng experts ang magsasabing pwede nating gamitin 'yan... sino ang ating pagkakatiwalaan? Siguro po hindi mga komedyante," anito.

Matatandaang sa isang tweet ni Vice, sinabi nito na nararapat lang na maging choosy ang mga Pinoy sa bakuna dahil kahit sa sabong panlaba ay mapili na nga tayo.

"Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!"

Ito ay matapos sabihin ni Roque na hindi dapat na maging pihikan ang mga Pilipino sa bakuna laban sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Pangulong Duterte payag mauna sa pagpapabakuna kontra COVID-19

Si Vice Ganda ay kilalang comedian, actor, endorser at host sa bansa. Sumikat ito nang mapasama sa isa sa mga host ng Kapamilya noontime show na "It's Showtime". Nobyo niya si Ion Perez.

Sa isa pang report ng KAMI, hindi naiwasan ni Vice ang punahin ang naging reaksyon ng kanyang BF na si Ion at ni Ate Girl Jackie nang "mahuli" niya itong nagkatinginan.

Samantala, usap-usapan naman ngayon ang pagkamatay ng ilang senior citizens sa Norway na pare-parehong nabakunahan ng COVID-19 vaccine ng Pfizer.

Please always like and share all of our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading about your thoughts and views on different matters! Thank you for all of your support!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel