Pangulong Duterte payag mauna sa pagpapabakuna kontra COVID-19

Pangulong Duterte payag mauna sa pagpapabakuna kontra COVID-19

- Maaaring pumayag ulit ang Pangulong Duterte na mauna sa pagpapa-bakuna laban sa COVID-19

- Ito ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang tugon sa pahayag ni VP Leni Robredo

- Ayon kay Robredo ay dapat na mauna si Duterte upang pagtibayin ang kumpiyansa ng publiko sa mga bakuna

- Ipinaliwanag ni Roque na hangad lamang ng pangulo na unahin ang interes ng mamamayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Posibleng mag-boluntaryo ulit si Pangulong Rodrigo Duterte na mauna sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 para lamang mawala ang pag-aalinlangan ng mga mamamayan.

Pangulong Duterte payag mauna sa pagpapabakuna kontra COVID-19
Pres. Rodrigo Duterte (Photo credit: Dondi Tawatao)
Source: Getty Images

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ng makapanayam ng “Unang Balita” ay hindi magdadalawang-isip ang pangulo na siya ang maunang magpa-turok ng bakuna kung makikita niya na natatakot ang mga tao.

"Kung sa tingin niya ay natatakot ang mga tao sa bakuna ay hindi naman po siya mag-aatubili na mauna," sabi ni Roque.

Read also

Meryll Soriano, pinasalamatan si Joem Bascon sa dahil pagiging maalaga nito

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ito ay ang tugon niya sa sinabi ni Bise Presidente Leni Robredo na ang pangulo ang dapat mauna sa pagpapa-bakuna laban sa coronavirus upang madagdagan ang tiwala ng mamamayan sa mga bakuna.

Ito ay sinabi ni VP Robredo matapos ipaalam ng pangulo noong nakaarang linggo na huli ang mga opisyal ng pamahalaan na magpapa-bakuna, at kabilang na siya rito. Ayon sa pangulo, prayoridad ng pamahalaan ang mga frontliners at mga ‘vulnerable sectors’.

Ito ay taliwas sa nauna niyang sinabi noong Disyembre ng nakaraang tao na handa siyang maunang magpa-bakuna sa oras na dumating na ang mga bakuna sa bansa.

Ipinagtanggol ni Roque ang nabagong desisyon ng pangulo. Ayon sa kanya, interes lamang ng taumbayan ang nais unahin ng pangulo bago ang interes ng mga nasa posisyon.

Read also

It's Showtime hosts, nakigulo sa bagong bahay ni Vice Ganda

Ngunit ipinaliwanag rin ni Roque na hindi imposible na mag-boluntaryo ulit si Pangulong Duterte na mauna upang tulungan ang publiko na magkaroon ng kumpiyansa sa pagpapa-bakuna.

"Pero kung imporante po yan talaga para magkaroon ng kumpiyansa ang taumbayan, iniisip ko naman po hindi imposible yan dahil minsan na rin yang sinabi ng Presidente,"

Ngayong Pebrero ay nakatakda nang dumating ang unang supply ng mga bakuna kontra COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Pangulong Rodrigo Duterte ay ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas. Siya ang kauna-unahang pangulo na nang-galing sa Mindanao, at pinaka-matanda rin na naluklok sa posisyon.

Nitong nakaraang mga araw ay naging usap-usapan ang pahayag ng pangulo na hindi pambabae ang pagiging presidente ng bansa. Dahil dito ay marami ang bumatikos sa kanya, kabilang na ang mga celebrities.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Cyril Abello avatar

Cyril Abello (Editor)