Toni Gonzaga, ibinigay ang TF sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho
- Isiniwalat ng direktor na si Olivia Lamasan ang kabutihang ginawa ni Toni Gonzaga sa kapwa niya Kapamilya
- Ayon sa direktor, si Toni ay nagbahagi ng kanyang talent fee sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho
- Maaalalang napakalaking pagsubok sa mga ABS-CBN employees ang taong 2020 dahil kasabay ng pandemya ang pag-shutdown ng istasyon
- Malaki raw talaga ang pasasalamat ni Lamasan sa kabutihan ni Toni at aminadong napaiyak siya noon dahil sa kahanga-hangang ginawa nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isa ang direktor na si Olivia Lamasan sa mga bumati kay Toni Gonzaga sa birthday special nito sa I Feel U.
Nalaman ng KAMI na isiniwalat ng managing director ng ABS-CBN Film productions na isa si Toni sa mga nagmalasakit sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho noong mag-shutdown ito noong Mayo 5 ng nakaraang taon.
“Ito pong si Toni gave a generous portion of her talent fee, if not all, para po sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan po ng trabaho nung inorder po ng Congress na i-shutdown kami," pagsisiwalat ng direktor.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"I will never forget that kasi napaiyak mo ako noon sa sobrang kalakihan ng puso mo at kabutihan mo," dagdag pa nito.
Kaya naman hiling ng direktor na pagpalain pa lalo si Toni sa kabutihan nitong ginagawa sa kapwa niya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Toni Gonzaga is isa sa mga kilalang aktres at TV host sa bansa. Kapatid siya ng actress at vlogger na si Alex Gonzaga.
Kamakailan, ay nadawit ang pangalan ni Toni sa umano'y ini-endorso nitong cologne na hindi aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).
Bukod sa programa niyang I Feel U sa Kapamilya Network, isa pa rin siya sa mga host ng Pinoy Big Brother Connect na nagsimula noong taong 2020.
Sa ngayon, mapapanood pa rin ang iba pang mga Kapamilya shows sa cable TV at maging sa kanilang mga online platforms.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh