Viral 'You do note' girl, kumpirmado na ang pag-aartista

Viral 'You do note' girl, kumpirmado na ang pag-aartista

- Binahagi ng programang Rated K ang kwento ng buhay ng batang si 'You do note' girl

- Matapos itong mag-guest sa Gandang Gabi Vice, dumagsa pa lalo ang mga proyekto niya sa telebisyon

- Kumpirmado na kasi ang kanyang pag-aartista nang pumirma na ito ng kontrata sa ilalim ng Star Image management

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinong mag-aakala na ang isang simpleng viral video ay makapagdadala ng kaginhawahan sa buhay ng batang si Marjorry Lingat o mas kilala bilang si 'You do note girl.'

Siya ang siyam na taong gulang na bata sa viral video kung saan ginaya niya ang mga pamosong linya nina Cassie at Marga ng 'Kadenang Ginto.'

Kahit pa tila iba ang mga linyang binibigkas niya kumpara sa mga totoong sinasabi ng mga karakter sa teleserye, marami pa rin ang natuwa sa kanya.

Binahagi sa programang Rated K ang kwento ng buhay ni Marjorry at doon napag-alaman na salat pala ito sa maraming bagay.

Katunayan, nakikinood lamang ito sa kapitbahay ng paborito niyang teleserye kasama ang kanyang kaibigan.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Maging ang cellphone na ginamit sa pag-record ng kanyang viral video ay sa kaibigan niya rin na si Ellaine Pido. Si Ellaine din ang nag-upload nito.

Ngunit, tila mababago na ang kapalaran ni 'Majo' dahil kumpirmado na ang kanyang pag-aartista. Isa na ngayon siyang Star Image talent sa pangangalaga ng kanyang talent manager na si David Cabawatan.

Kaya naman pala lumabas na ang mga 'artistahin' photos ni Majo na binahagi na rin ng KAMI dahil sa tuloy na tuloy na talaga ang kanyang pag-aartista.

Narito ang kabuuan ng video na nakuha ng KAMI sa YouTube.

Billboard sa EDSA, maraming endorsements at guestings sa iba pang mga Kapamilya shows ang ilan sa nakahain na proyekto kay Majo.

Marami ang natuwa sa mga biyayang natatamasa ngayon ni Majo dahil nararapat lamang daw ito sa tulad niyang mabait at masipag na bata.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Razor Prank In The Streets Of The Philippines | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Batuhan ng 'hugot lines' ng teacher at estudyante, mahigit 3 million views na

Batuhan ng 'hugot lines' ng teacher at estudyante, mahigit 3 million views na

Batuhan ng 'hugot lines' ng teacher at estudyante, 3 million views na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel