Pagkasawi ng 23 matanda na nabakunahan ng Pfizer, iniimbestigahan
- Iniimbestigahan na ang insidente ng pagkamatay ng mahigit 20 katao sa Norway matapos mabakunahan ng COVID-19 vaccine ng Pfizer
- Batay sa mga report, ang mga nasawi ay pawang mga matatanda o senior citizens na may karamdaman
- Lumalabas din na nakaranas ang mga ito ng karaniwang side effects ng vaccination
- Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad kung may direktang epekto ang bakuna sa pagkamatay ng mga ito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Iniimbestigahan na ang insidente ng pagkamatay ng mahigit 20 katao sa Norway matapos mabakunahan ng COVID-19 vaccine ng Pfizer.
Batay sa mga report, ang mga nasawi ay pawang mga matatanda o senior citizens na may karamdaman.
Sa ulat ng 24 Oras ng GMA News, sinabi sa report ng Norwegian Medicines Agency na ang epekto ng bakuna ay posibleng may kinalaman sa kalagayan ng mga pasyente na mahina ang katawan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sinabi rin sa ulat na hindi naisama sa pag-aaral ng Pfzer-BioNTec ang mga nakatatandang may edad 85 pataas na mayroong acute illness o unstable.
Lumalabas din na nakaranas ang mga ito ng karaniwang side effects ng vaccination.
Sa huling tala, umabot sa 23 tao ang nasawi matapos mabakunahan ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer.
Ganunpaman, nasa status quo pa rin daw ang emergency use authorization na inisyu ng Food and Drug Administration (FDA) sa COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang online briefing.
Pinag-aaralan pa rin daw ng mga awtoridad sa Norway kung may kinalaman nga ang bakuna sa pagkasawi ng mahigit 20 senior citizens ayon kay Vergeire.
"They (Norway authorities) are still looking into it. They don’t think it is related, pero pinag-aaralan pa nila," anito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa isa pang report ng KAMI, hindi naman naiwasan ng komedyanteng si Vice Ganda ang magbigay ng opinyon sa naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ukol sa mainit na usapin sa bakuna laban sa COVID-19.
Please always like and share all of our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading about your thoughts and views on different matters! Thank you for all of your support!
Source: KAMI.com.gh