Jaclyn Jose, susubok sa audition ng Disney movie na Spiderman 3

Jaclyn Jose, susubok sa audition ng Disney movie na Spiderman 3

- Kinumpirma ni Jaclyn Jose ang pag-audition niya sa Disney film na Spiderman 3

- Ito ay ang role ng isang Filipina lola para sa Pinoy best friend ni Spiderman sa pelikula

- Matatandaang si Gina Pareño ang isa rin sa mga naging matunog na pangalan para umano sa nasabing role

- Busy pa rin ngayon 'di lamang sa bagong apo kundi sa kanyang career kung saan dalawang pelikula ang nakatakda niyang gawin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Patuloy ang pagdagsa ng proyekto ng aktres na si Jaclyn na kamakailan lang ay kinumpirmang sasabak siya sa audition para sa isang Disney Film.

Nalaman ng KAMI na ang role na ito ay ang Filipina lola na hinahanap ng pelikula para sa best friend ni Spiderman na isa umanong Pinoy.

“Sabi ko ‘submit a resume, give it a try.’ Two sequences won’t harm me if ever,” pahayag ni Jaclyn sa panayam sa kanya ni Lhar Santiago ng 24 Oras.

Read also

Tao sa rm. 2207 ng Dacera case, nag-react sa sabi ni Valentine Rosales

Jaclyn Jose, susubok sa audition ng Disney movie na Spiderman 3
Jaclyn Jose Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang sa pagbungad ng taong 2021, naging matunog ang pangalan ng isa pang aktres na si Gina Pareño para sa nasabing role.

Bukod sa pagiging proud lola ni Jaclyn sa kanyang mga apo lalo na ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Koa, busy rin ang aktres sa ilan niyang naka-line up na mga proyekto.

Katunayan, dalawa ang kanyang pelikula na nakatakdang gawin. Isa na rito ang pelikulang 'Kontrabida' kung saan makakasama niya si Nora Aunor.

Nabanggit din ni Jaclyn ang plano umanong pagpapakasal ng kanyang anak na si Andi Eigenmann sa partner nito na si Philmar Alipayo na maaring maganap sa susunod na taon. Nakasalalay pa umano sa pandemya ang itatakdang araw ng pag-iisang dibdib ng kanyang anak.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ng GMA News:

Read also

Sue Ramirez, pinagtanggol ng bf na si Javi Benitez laban sa malisyosong akusasyon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jaclyn Jose ay isa sa mga pinakamahuhusay na aktres sa Pilipinas. Siya ang ina ng aktres at kilala ring YouTuber na si Andi Eigenmann. Taong 2016 nang matanggap ni Jaclyn ang karangalan sa pagiging best actress mula sa Cannes Film Festival.

Kamakailan, ipinahayag niya ang pagka-proud sa anak niyang si Andi na kapapanganak pa lamang sa ikatlo nitong supling na si Koa. Nilarawan niya ang anak na "too strong" na tila namana raw nito sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel