Tao sa rm. 2207 ng Dacera case, nag-react sa sabi ni Valentine Rosales
- Nagpaunlak ng panayam ang isa sa mga nasa room 2207 kaugnay ng kaso ni Christine Dacera
- Nagbigay siya ng ilang detalye tungkol sa mga nangyari sa gabi na nakasama nila ang pumanaw na flight attendant
- Itinanggi rin nito ang sinasabing droga na umano'y nakita sa kanilang party
- Nagbigay din siya ng reaksyon kaugnay sa nasabing komento ni Valentine Rosales tungkol sa kanilang mga nasa room 2207
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nagpaunlak ng interview si Jake Esteron, ang ika-13 personalidad ng room 2207 na lumantad kaugnay ng kaso ni Christine Dacera.
Nalaman ng KAMI na ito ang unang pagkakataon na pumayag na magbigay pahayag si Esteron tungkol sa mga pangyayari sa gabi na nakasama nila ang pumanaw na flight attendant.
Sa panayam sa kanya ni Zyann Ambrosio ng ABS-CBN News, una niyang nasabi ang pagkagulat sa nangyari lalo na at naroon lamang siya sa party upang makita at makamusta ang kanyang mga kaibigan.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
"Nagulat ako sa TV, John Doe 5 ako, sabi ko bumisita lang ako doon gusto ko lang makita yung mga kaibigan ko tapos ganyan ang nangyari," ayon kay Esteron.
Ayon pa kay Esteron, sumunod lamang talaga siya sa naturang party bago ang Bagong Taon.
Nabanggit din niyang sumilip siya sa room 2209 kung saan naka-check in ang mga kasama ni Dacera.
Nabanggit din niya ang ilan nilang nagawa sa party tulad ng mga party games at inuman subalit itinanggi rin niyang may droga sa kanilang kasiyahan.
Hiningan din siya ng reaksyon kaugnay sa naunang komento ni Valentine Rosales, isa sa mga sinasabing kaibigan ni Dacera tungkol sa kanilang mga nasa room 2207.
"Nagulat din ako nung sinabi ni Valentine yun, na puro matatanda at chaka yung mga nasa room 2207, kayo na ang bahalang humusga," pagtatapos ni Esteron sa panayam.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tanghali ng Enero 1 nang makitang wala nang buhay ang 23-anyos na flight attendant na si Christine Dacera na kasama ang mga kaibigan sa pagdiriwang ng Bagong Taon sa City Garden Hotel sa Makati.
Isa sa mga nakasama ni Dacera si Valentine Rosales na nagbigay pahayag tungkol sa mga taong nadatnan nila sa room 2207, ang isa pang kwarto na binabalikan umano ni Dacera.
Humingi na rin ng paumanhin si Rosales sa mga nabitawang komento sa mga tao sa room 2207 at inaming mali ang mga salitang nagamit niya para ilarawan ang mga pinatutungkulan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh