James Reid nabigla sa kanyang viral na ‘front cam challenge’

James Reid nabigla sa kanyang viral na ‘front cam challenge’

- Sinabi ni James Reid na na-sorpresa niya nang malaman ang tungkol sa ‘James Reid Front Camera Challenge’

- Ang pinagmulan ng nasabing challenge ay ang selfie video ni James habang nagha-hiking

- Ayon kay James ay baka nanibago lang ang mga tao sa kanyang mahabang buhok

- Sa ngayon ay busy ang Kapamilya actor-performer sa pagpro-produce ng mga kanta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni James Reid na nabigla siya sa trending na ‘James Reid Front Camera Challenge’ na hango sa kanyang front camera selfie videos.

James Reid nabigla sa kanyang viral na ‘front cam challenge’
James Reid (Photo credit: @james)
Source: Instagram

Ang nasabing online challenge ay nagsimula pagkatapos mag-post ng Kapamilya actor sa Instagram ng isang selfie video habang nagha-hiking. Kasama niya sa grupo si Nadine Lustre.

Sa panayam niya sa PUSH Bets Live, sinabi ni James na napag-alaman nga niya ang tungkol sa challenge. Nakita rin daw niya ang mga challenge entries.

Read also

Viral na CPR scene sa ‘Kambal, Karibal’ umabot hanggang Thailand

“Actually, nabigla ako do’n when I first saw it. I was on a hiking trip and then I saw suddenly there was a front cam challenge because of my long hair,” saad ni James.

Ayon kay James, siguro ay naninibago lamang ang mga tao dahil unang beses siya nilang nakita na ganoon ang buhok. Ipinaliwanag rin niya na maraming pang ibang mga lalaki ang nagpahaba ng buhok sa panahon ng quarantine.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Nai-kuwento rin ni James na bukod sa pagpapahaba ng buhok, mas napag-tuunan niya ng pansin ang kanyang kompanya, ang record label na Careless Music, kung saan ay parte rin si Nadine.

Ibinahagi ng performer-actor kung gaano siya ka-dedicated sa kanyang ginagawa, at kung ano ang mga pagbabagong kinaharap niya noong nakaraang taon.

“I guess discipline, especially with work. I’m working up to like 12 hours every day, from 8AM to 8PM.

Read also

Pauleen Luna, ibinahagi ang nakakakilig na reaksiyon ni Vic Sotto sa kanilang kasal

“Yeah, I’m just focusing on what’s really important to me, and really pushing for my dreams, and my vision for my music, my company, my artists,” tugon niya.

Nitong Biyernes, ika-29 ng Enero, ay inilabas na ang bagong single ni James na “Soda”. Ayon sa kanya, ang naging inspirasyon niya sa kanta ay mga natutunan niya noong 2020.

“All the lessons learned from 2020. Learning to turn these difficult situations, these hard times into positive change.”
“I guess the message I want the listeners to take away from this song is a feeling of hope, of peace that there are brighter days ahead, and just to let life surprise you,” sabi niya.

Ibinahagi din niya na isa sa mga tumulong sa kanya na isulat ang nasabing kanta ay si Nadine.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Janella Salvador, kinantahan ang baby ng kanyang kanta sa isang TVC ng kape

Si James Reid ay isang Filipino-Australian actor, dancer, singer, model, and record producer. Sumikat siya matapos tanghalin bilang Big Winner ng “Pinoy Big Brother: Teen Clash 2010”.

Ginulat nina James at Nadine ang showbiz industry nang i-anunsyo nila ang kanilang breakup noong January 2020. Ngunit sa kabila nito ay parati pa rin silang magkasama, at may mga bali-balitang nagkabalikan na sila. Sa katunayan ay magkasama pa nga silang nag-charity work sa Tondo noong isang buwan lamang.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Cyril Abello avatar

Cyril Abello (Editor)