Viral na delivery rider at nakaalitan niyang customer, nagkaayos na

Viral na delivery rider at nakaalitan niyang customer, nagkaayos na

- Nagkaayos na ang delivery rider sa viral video kamakailan na nakaalitan ang kanyang customer

- Sa tulong ng programa ni Raffy Tulfo, mahinahong nagkausap ang dalawa

- Hindi sila nagkaintindihan dahil sa mali raw umano ang nai-pin na lugar ng customer, dahilan para hanapin pa ito ng rider

- Nagkainitan ang dalawa na humantong pa sa batuhan ng masasakit na mga salita sa isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakarating sa programa ni Raffy Tulfo na Idol in Action ang viral video ng isang delivery rider na nakaalitan ang kanyang naging customer.

Nalaman ng KAMI na hindi nagkaintindihan ang rider na si Shane at customer nitong si Yul dahil sa mali umano ang nai-pin na address.

Aminado naman ang rider na bago lamang siya sa Laguna at hindi pa niya kabisado ang mga kalye at kalsada roon.

Read also

BF, biglang naglaho tangay ang pera at mamahaling gamit ng kasintahan

Viral na delivery rider na nakaalitan ang kanyang customer, nagkaayos na
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Kaya naman nang hindi nito matagpuan ang kinaroroonan ng customer, tinanong na lamang niya muli ito na naging ugat ng kanilang pagkakainitan.

Nang magpanagpo, hindi naiwasan ng dalawa na magbitaw ng masasakit na salita sa isa't isa.

Sa kabila ng nangyari, minabuti ng rider na makipagkasundo na lamang sa customer para na rin sa ikatatahimik ng nangangamba niyang ina na naiiwan niyang mag-isa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Ayaw din umano ni Shane na mayroong kasamaan ng loob kaya sa tulong ni Tulfo ay nakausap niya muli ang customer at nagkapatawaran na sila.

Hiniling na rin ng customer na burahin na ni Shane ang video na in-upload pala ng kasamahan nito sa trabaho. Nangako naman ang rider na ipatatanggal ito.

Narito ang video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

OFW na nagbigay ng 2 kotse at sandamakmak na pera sa nobya, pinagpalit pa rin sa iba

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang truck driver sa viral video kung saan nakaalitan nito ang isa ring motorista na sumira pa sa salamin ng kanyang minamaneho.

Matapos na ma-upload ang video ay madaling nahanap ang motorista dahil sa nakunan ang plate number ng sasakyan nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel