Viral pick-up driver na nambasag ng bintana ng truck, lumitaw na

Viral pick-up driver na nambasag ng bintana ng truck, lumitaw na

- Nagsalita na ang driver ng pick up na siyang nambasag umano ng salamin ng truck sa viral video

- Nakarating umano sa driver ang panawagan ng Idol in Action na ito ay lumitaw na at makipag-ayos sa nakaalitang truck driver

- Paliwanag ng driver ng pick up, kasama umano niya ang kanyang pamilya kaya naman nang magitgit ng truck, di na niya napigilan ang sarili sa galit

- Sumang-ayon naman ito na babayaran ang anumang sira ng truck at aminado siyang talagang binasag niya ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dininig ng driver ng pick up sa viral video ang panawagan ng programang 'Idol in Action' na siya ay lumitaw at makipag-ayos lalo na at nabasag nito ang salamin ng truck ng kanyang nakaalitan.

Matatandaang dumulog na sa nasabing programa ni Raffy Tulfo ang driver ng truck na si Roderick Villegas upang humingi ng tulong kaugnay sa nangyaring away sa kalsada.

Biktima ng maling akala ng pulis, labis pa rin ang takot sa nangyari

Nalaman ng KAMI na ang pangalang nakarehistro sa sasakyan ay hindi ang lalaking si Bonifiacio Piedad Jr. na nasa viral video.

Viral pick-up driver na nambasag ng bintana ng truck, lumitaw at nagpaliwanag

Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Ito agad ang una niyang nilinaw sa publiko lalo na at nadadamay pa umano ang pangalan ng taong ito.

Paliwanag pa umano ni Piedad, kasama niya ng oras na iyon ang kanyang pamilya.

Kaya naman nang mangyari ang umano'y paggitgit ng truck na minamaneho ni Villegas sa kanila, doon siya nagalit lalo na at natakot ang anak niyang kasama nila.

Nang magkaroon ng tiyempo na huminto, bumaba na ng sasakyan si Piedad at doon sinugod ang truck at binasag ang salamin nito.

Inamin niya mismo ang pagkakamali subalit sinabihan din niya ang driver ng truck na huwag gigitgit lalo na at malaki ang sasakyang minamaneho nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang sa unang episode ng kasong ito, makikita sa video na mayroong sumingit na pulang sasakyan at nag-overtake sa truck dahilan upang mapakabig ito pakanan at di naman niya namalayan na kasunod nito ang pick up.

Viral pick-up driver na nambasag ng bintana ng truck, pinaghahanap na

Ayon kay Atty. Garreth Tungol, makikita naman ang ginawang pag-iwas ng truck sa video bago pa ang pagbaba ni Piedad ng kanyang sasakyan habang may dala umanong tubo.

Inamin naman ng driver ng pick up ang kanyang pagkakamali at handa umanong bayaran ang kanyang mga nasira. Muntik na kasi itong pabayaran ng may-ari kay Villegas.

Payo ni Atty. Tungol, iwasan ang agarang pag-init ng ulo habang nagmamaneho para makaiwas sa gulo o anumang perwisyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Billy Jack Sanchez, hinamon si Erwin Tulfo ng IQ test

Kamakailan, ay natulungan ng kanyang programa ang biktima na naman umano ng maling akala ng pulis na nagdulot ng matinding takot sa napagkamalang negosyante.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel