Biktima ng maling akala ng pulis, labis pa rin ang takot sa nangyari

Biktima ng maling akala ng pulis, labis pa rin ang takot sa nangyari

- Humingi na ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo ang isang lalaking nabiktima umano ng maling akala ng pulisya

- Napagkamalan umano siya na may dalang iligal sa kanyang pick-up na kakulay pa umano ng naibigay na impormasyon sa pulis ng Intel operations

- Sinundan pa umano ang lolo sa kanilang bahay at kahit naroon ay tuloy pa rin ang umano'y pananakot na nagawa ng pulis

- Humingi man ng tawad ang pulis, subalit labis ang 'phobia' na dinaranas pa rin ng matanda dahil sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naiiyak na humingi ng tulong sa 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo ang lolo na si Eustaquio Tutor Jr. dahil sa umano'y dinanas niya sa mga pulis sa kanilang lugar sa Maasim, Saranggani Province.

Nalaman ng KAMI na naganap ito noong Enero 25 at kalalabas pa lamang umano niya ng bahay. Nakalimot pa raw siya ng kanyang face mask kaya naman nagawa pa niyang bumalik.

Read also

Only child na transwoman, binigyan ng debut ng supportive parents

'Di pa man gaanong nakakalayo, napansin na niyang may sumusunod na sa kanyang mga naka-motor.

Lolo na biktima umano ng maling akala ng pulis, labis pa rin ang takot sa nangyari
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Sa una'y iba pa ang kutob niya lalo na at hindi naman umano mga naka-uniporme ang mga ito.

Nagawa pa niyang bumalik nang tuluyan sa kanilang bahay at doon nalaman na mga pulis pala ang sumusunod sa kanya. Isa nga rito si P/Cpl. Ian Orquiola, na siya umanong nanakot sa kanya sa 'di niya malamang kadahilanan.

Nang kapanayamin ni Atty. Garreth Tungol ng 'Wanted sa Radyo' ang inirereklamong pulis, ipinaliwanag nito na kakulay umano ng itim na pick-up ni Tutor ang sasakyang nai-timbre sa kanila may karga umanong kontrabando.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit matinding phobia ang naidulot nito sa matanda lalo na at hindi niyang agad nalaman ang dahilan ng pagsunod ng mga pulis sa kanya.

Katunayan, sa tuwing mababanggit ang nangyari ay talagang naiiyak siya sa sobrang takot.

Read also

Nangutang ng ₱500 para makasali sa 'Bawal Judgmental', nanalo ng ₱90k

Samantala, siniguro naman ni P/Col. Michael Labanan, Provincial Director, Sarangani Province ang seguridad ni Tutor at kinumpirma niyang hindi na muna makalalabas ang inirereklamo nitong pulis.

Bagaman at nag-public apology na ang pulis na si Orquiola, matindi pa rin ang epekto ng nangyari kay Tutor kaya desidido itong sampahan ng kaso ang pulis na umano'y nagdulot sa kanya ng matinding pangamba 'di lamang para sa sarili kundi maging para sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

Viral pick-up driver na nambasag ng bintana ng truck, pinaghahanap na

Isa ang programa ni Tulfo sa mga tumututok sa kaso labas sa pulis na si Jonel Nuezca na nagawang barilin ang mag-ina niyang kapitbahay na sina Sonia Gregorio at Frank Anthony Gregorio bago matapos ang taong 2020.

Gayundin sa kaso ng pulis na umano'y napagkamalang magnanakaw ang isang construction worker na noo'y birthday pa naman ng kanyang anak. Natulungan din ni Tulfo ang naulilang pamilya ng napatay na padre de pamilya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica