Only child na transwoman, binigyan ng debut ng supportive parents

Only child na transwoman, binigyan ng debut ng supportive parents

- Suportado ng mga magulang ang 'Bawal Judgmental' guest na si "Maja" na dati nilang unica hijo na ngayo'y kanilang unica hija

- Katunayan, binigyan pa nila ito ng debut pagtungtong niya ng 21 taong gulang

- Taliwas sa karaniwang nangyayari, ang ina pa ni Maja ang hindi agad nakatanggap sa kanyang pagiging isang transwoman

- Gayunpaman, labis ang pagmamahal sa kanya ng kanyang mga magulang at nasusuklian naman niya ito ng buong-buo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaka-inspire ang kwento ng 'Bawal Judgmental' guest sa Eat Bulaga na si Maja na dating "unico hijo" na ngayo'y isa nang "unica hija."

Nalaman ng KAMI na 11 taon ang hinintay ng mga magulang ni Maja sa kanyang pagdating at ayon pa sa kanyang ina na si El, binigay sa kanila pareho ng Diyos gayung ang gusto ng ama ni Maja ay lalaki habang siya naman ay babae ang gustong anak.

Read also

Nakakatuwang convo ng guro at HS student, kinagiliwan online

Kwento ni Maja, mula pagkabata pa lang ay pusong babae na siya dahil sa mga gusto niyang gawin.

Only child na transwoman, binigyan ng debut ng supportive parents
Photo: Screengrab from Eat Bulaga
Source: Facebook

Nauna pang matanggap ng ama ang kanyang sitwasyon kaysa sa kanyang ina taliwas sa kadalasang nangyayari sa pamilya ng tulad ni Maja.

Kwento pa ng kanyang Mommy El, binibitin-bitin pa nila ang hiling ni Maja na mag-debut dahil sa pag-aakalang baka mababago pa ang isip nito.

Katwiran ng ina, gusto pa niyang magkaroon ng apo, at aminado siyang natagalan pa bago niya matanggap ang kagustuhan na ito ni Maja sa kanyang buhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kahit pa isang colonel ang kanyang ama, aminado si Maja na mas na-pressure pa umano siya sa kanyang ina.

Subalit dahil nag-uumapaw ang pagmamahal ng mga magulang ni Maja sa kanya, binigyan siya ng mga ito ng enggrandeng debut pagtuntong ng edad na 21.

Read also

Biktima ng maling akala ng pulis, labis pa rin ang takot sa nangyari

Kaya naman hanggang ngayon, suportado pa rin si Maja ng kanyang mga mapagmahal na magulang.

At bilang anak, nais naman ni Maja na masuklian ang lahat ng pagmamahal at pagtanggap na ginawa ng kanyang mga magulang sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nagpaluha sa marami ang kwento ng isa ring guest ng Bawal Judgmental na si Danny Cortezano nang ikwento niya ang pamamaalam ng kanyang asawa na si Lorna.

Matatandaang nag-viral ang mag-asawang ito dahil sa 34 taon nilang agwat subalit hindi matatawaran ang kanilang pagmamahalan.

Gayundin ang kwento ng isa ring constestant ng Bawal Judgmental na wala umanong pamasahe kaya napilitan itong mangutang. Laking pasasalamat nito dahil ang P500 niyang hiniram sa kamag-anak ay agad niyang maibabalik dahil nanalo siya ng P90,000.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica