Nakakatuwang convo ng guro at HS student, kinagiliwan online
- Viral ang post ng isang guro ukol sa conversation nila ng kanyang estudyante
- Inakala kasi ng kanyang estudyante na ang INC na tinutukoy ng kanyang guro ay ang kanyang relihiyon
- Nagulat tuloy ang bata at inakalang babagsak siya dahil sa INC siya na ang ibig sabihin pala ay incomplete
- Nasisi pa umano ang guro na hindi raw nilinaw kung ano ang tinutukoy na INC
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinagiliwan online ang nakakatuwang post ng guro na si Joemar Ancheta tungkol sa naging conversation niya at ng kanyang estudyante.
Sa kanya na ngayong viral post, pinakita ni Teacher Joemar kung paano niya ipinaalam sa kanyang estudyante na "INC" ito na ang ibig sabihin ay incomplete.
Subalit, nagkataon na ang mag-aaral niyang ito ay isa pa lang 'Iglesia ni Cristo' kaya naman nang tanungin siya ng guro kung anong balak nito at 'INC' pa rin siya, oo na lamang ang sagot nito.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Nang sabihin ng guro na ibabagsak niya ang estudyante dahil sa INC ito, nagulat ang mag-aaral at tinanong kung kinailangan ba niyang maging Katoliko para lang pumasa.
Kaya naman ipinaliwanag ni Teacher Joemar na "incomplete" ang tinutukoy niyang INC at hindi ang relihiyon.
Ang nakatutuwa pa sa nangyari, nasisi pa ang guro at hindi raw nito nilinaw agad ang ibig sabihin ng INC sa kanilang usapan.
Sa ngayon, mayroon nang 37,000 na reactions at 26,000 shares ang viral post.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kamakailan, isang guro rin ang nag-viral matapos na ipakita ang mensahe ng kanyang estudyante patungkol sa kanilang learning modules.
Nagkataon naman na araw na pala iyon ng kanyang kasal kaya naman maayos niyang sinabi sa mag-aaral na mamaya na niya ito sasagutin at ikakasal lamang siya.
Gayundin ang isa namang guro na matiyagang tinatawid ang ilog maihatid lamang ang mga learning modules sa kanyang mga estudyante.
Patunay lamang ito na sadyang kahanga-hanga ang pinakikitang dedikasyon ng mga guro sa kanilang propesyon lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Isa mang malaking pagsubok ang pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng krisis na dala ng COVID-19, unti-unti nila itong napagtatagumpayan sa araw-araw na mayroon paring natututunan sa kanila ang kanilang mga mag-aaral.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh