College instructor, matiyagang tinawid ang sapa makapaghatid lang ng learning modules

College instructor, matiyagang tinawid ang sapa makapaghatid lang ng learning modules

- Viral ang larawan ng isang guro na matiyagang tinawid ang sapa makapaghatid lamang ng learning modules sa kanyang mga estudyante

- Makikitang hawak niya ang ilang piraso ng kanyang modules habang maingat nitong tinawid ang sapa sa pamamagitan ng kawayan

- Sa kasamaang palad, nabali raw ang tulay na kawayan dahilan para siya ay mahulog

- May ilang nagsasabing maaring scripted ang mga larawan subalit masasalamin pa rin daw dito ang hirap at sakripisyo ngayon ng mga guro sa 'new normal' sa edukasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

College instructor, matiyagang tinawid ang sapa makapaghatid lang ng learning modules

Moises Palomo (photo from Francis Leo Loberanes Facebook)
Source: Facebook

Umani ng iba't ibang reaksyon ang viral post ni Moises Palomo, isang college instructor sa Tandag City, Surigao del Sur.

Nalaman ng KAMI na matiyagang tinawid ng guro ang sapa sa pamamagitan lamang ng kawayan upang mahatiran ng learning modules at reading materials ang kanyang mga estudyante.

Ella Cruz, sumemplang sa big bike habang nasa training

Ibinahagi din ng netizen na si Francis Leo Loberanes ang mga larawan ni Palomo at makikita kung gaano kahirap ang sakripisyo nito masiguro lamang na mayroong magagamit ang kanyang mga estudyante sa darating na pagbubukas ng klase sa Oktubre.

Isa raw talaga ito sa adbokasiya ng guro na mapatunayang kahit may pandemya ay maaring ipagpatuloy ang edukasyon kahit pa nasa liblib na lugar ang isang mag-aaral.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, may ilang nagsasabi na tila 'scripted' lamang ang ginawa na ito ng guro at parang nagpatawa na lamang ito sa bandang huli ng mga ibinahaging larawan.

Gayunpaman, marami pa rin siyang napahanga dahil alam naman ng marami na maraming guro sa bansa na ganito ang dinaranas maipagpatuloy lamang ang edukasyon sa kabila pa rin ng banta ng COVID-19.

Tunay na hindi matatawaran ang hirap at sakripisyo ng mga guro ngayon na blended learning na ang gingamit nating paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon sa bansa.

Ed Caluag at Ana Dela Cruz, tugma ang mga nakitang kababalaghan sa opisina ni Tulfo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tulad ni Moises, Mayroon pa ngang sumakay pa ng payloader truck, makatawid lamang sa mapanganib na ilog sa kanilang lugar.

Marami raw kasi sa mga bata nila roon ay walang kakayanang magkaroon ng gadget at internet kaya mahalaga ang pagkakaroon ng modules na magagamit nila sa pag-aaral.

Habang ang ibang unibersidad at pribadong paaralan ay nakapagsimula na ng kanilang panuruang taon, sa Lunes, Oktubre 5 naman ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan kaya naman paspasan ang paghahanda ng mga masisipag na guro para rito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel