Nangutang ng ₱500 para makasali sa 'Bawal Judgmental', nanalo ng ₱90k

Nangutang ng ₱500 para makasali sa 'Bawal Judgmental', nanalo ng ₱90k

- Halos di makapaniwala ang 'Bawal Judgmental' winner na si Lancy nang manalo siya ng ₱90,000

- Nanghiram pa raw kasi siya ng pamasahe patungong 'Eat Bulaga' at napili siyang player ng 'Bawal Judgmental'

- Aminado na ang kanya mismong ina ang nanghiram sa kanilang kamag-anak para lamang matuloy ang pagsali niya sa nasabing TV contest

- Laking pasalamat din umano ni Lancy na nakalaro siya sa programa na tila bonus na lamang ang kanyang napanalunan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na nakaka-inspire ang kwento ng 'Bawal Judgmental' winner na si Lancy na aminadong nangutang pa para lamang makarating sa Eat Bulaga.

Nalaman ng KAMI na bihis na si Lancy para magtungo sa Eat Bulaga dahil siya ang player para sa episode ng Enero 28.

Lumapit siya sa kanyang ina upang manghiram ng pamasahe subalit wala rin itong maibigay sa kanya.

Read also

Willie Revillame, naiyak sa 60th birthday celebration niya sa 'Wowowin'

Babaeng nangutang ng ₱500 para makasali sa 'Bawal Judgmental', nanalo ng ₱90k
Photo: Screengrab from Eat Bulaga Facebook
Source: UGC

Nagtungo ang kanyang ina sa mga kapitbahay na kamag-anak din nila at ang asawa ng kanyang tiyo ang nakapagpahiram sa kanila ng ₱500.

"Yung asawa po ng tito ko, sige ito ₱500 bigay mo sa anak mo, balik mo agad ha?" kwento ni Lancy.

"Inutang ng nanay ko tapos pagdating ko rito ganito ang mangyayari so, ang sarap ng feeling," pahayag pa niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman naiyak talaga siya at halos hindi makapaniwala na nanalo siya ng ₱90,000.

Laking pasasalamat niya sa Eat Bulaga sa pagkakataong binigay sa tulad niya at talagang nabiyayaan siya ay kanyang pamilya.

"Thank you sa Eat Bulaga kasi binigyan niyo kaming mga normal na tao ng chance na maglaro and makita at mapanood ng mga audience. Thank you po, salamat ng madami."

Tila bonus na lamang daw sa kanya ang napanalunang pera dahil masaya na siya sa pagsali pa lamang sa nasabing contest at magkaroon ng pagkakataong makipagkulitan sa mga Dabarkads.

Read also

Tao sa rm. 2207 ng Dacera case, nag-react sa sabi ni Valentine Rosales

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay umantig sa puso ng marami ang isa pang naging contestant ng 'Bawal Judgmental' na si Danny Cortezano.

Matatandaang si Danny ay asawa ni Lorna na minsan nang nag-viral ang love story dahil sa 34 na taon ang agwat ng kanilang edad.

Naging panauhin ng programa ang dating child star na si Bugoy Cariño kung saan nabanggit niya na proud siya sa pagiging online seller lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica