Willie Revillame, naiyak sa 60th birthday celebration niya sa 'Wowowin'

Willie Revillame, naiyak sa 60th birthday celebration niya sa 'Wowowin'

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Willie Revillame sa pagdiriwang niya ng ika-60 kaarawan sa Tutok to win ng Wowowin

- Hiling niya na mawala na ang pandemya upang makabalik na ang kanyang mga studio audience

- Miss na miss na raw niya ang magpasaya sa kanyang live audience partikular na sa mga lola, mag-ina o mga batang may special needs

- Hangad niya kasing maibahagi ang mga biyayang kanyang natatanggap sa mga taga-suporta niya na dahilan kung nasaan man siya ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal si Wille Revillame sa pagdiriwang niya ng ika-60 kaarawan sa kanyang programang "Tutok to win sa Wowowin" ngayong Enero 27.

Nalaman ng KAMI na talagang naiyak si Willie dahil nais na niyang matapos ang pandemya at makapiling muli ang kanyang mga studio audience.

"Sana ho bumalik na tayo sa normal, bumalik na kami sa studio at makasama na namin kayo ulit," naluluhang sinabi ni Willie.

Read also

Willie Revillame, may birthday greeting mula kay Pangulong Duterte

Bilang pag-iingat kasi sa COVID-19 ay pinagbawalan pa rin ang live studio audience sa mga programang tulad ng 'Wowowin.'

Willie Revillame, naiyak sa 60th birthday celebration niya sa 'Wowowin'
Photo from Willie Revillame
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Labis na nalulungkot si Willie dahil sa namimiss na niya ang mga supporters niya na nakakapiling niya bilang studio audience lalong lalo na raw ang mga lola, mag-ina at maging ang batang may special needs.

"Kayo ho ang nagdala sa akin dito. Gusto kong ibalik ito sa inyo lahat," paliwanag pa ni 'Kuya Wil'.

"Balewala po ang materyales sa buhay ko, sana Lord matapos na itong pandemyang ito para makabalik na kami, makapagpasaya na kami araw-araw,"

"Lord thank you so much ginawa niyo akong tulay sa mga taong malulungkot at may pangangailangan. 60 years old na po ako. sana another 60 years para magbigay pa ako ng saya at tulong," dalangin ng TV host.

Read also

Jaclyn Jose, susubok sa audition ng Disney movie na Spiderman 3

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Willie Revillame ay isa sa mga kilalang showbiz personalities sa bansa, Itinuturing din siyang isa sa mga pinakamayayamang artista sa Pilipinas.

Isa sa mga unang bumati kay Willie para sa kanyang kaarawan ay ang anak niyang si Meryll Soriano na isa ring kilalang aktres sa bansa.

Naging usap-usapan din kamakailan ang video kung saan dinalaw siya ng isa sa mga malalapit niyang kaibigan na si John Estrada.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel