Willie Revillame, may birthday greeting mula kay Pangulong Duterte

Willie Revillame, may birthday greeting mula kay Pangulong Duterte

- Isa si Pangulong Duterte sa mga nagbigay ng video message para sa kaarawan ni Willie Revillame

- Hangad ng pangulo na patuloy na mabiyayaan si Willie dahil ibinabahagi naman nito ang kanyang mga blessings sa kababayan na kapos-palad

- Bukod kay Pangulong Duterte, nagpadala rin ng pagbati ang iba pang taong malalapit sa puso ni Willie

- Naging emosyonal din si Willie bago matapos ang programa niyang Wowowin Tutok to win nang sabihin niya ang kahilingan niya para sa kaarawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa sa mga bigating bumati kay Willie Revillame para sa kanyang 60th birthday ay ang pangulo ng bansa na si Rodrigo Duterte.

Nalaman ng KAMI na isa ang pangulo sa mga nagpadala ng video message para kay Willie sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan sa Wowowin Tutok to Win.

Willie Revillame, naiyak sa 60th birthday celebration niya sa 'Wowowin'

"Happy Birthday Willie Revillame! Patuloy lang ang pagtulong sa mga kababayan nating hindi pinalad sa buhay," pagbati ni Pangulong Duterte.

"May the Almighty continue to bless your good heart.Happy Birthday, mabuhay ka!" dagdag pa ng pangulo."

Willie Revillame, may birthday greeting mula kay Pangulong Duterte

Photo from Willie Revillame
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod sa presidente ng bansa, bumati rin ang mga taong malalapit sa puso ni Willie na hanggang sa edad niya ngayong 60 ay labis pa rin niyang pinasasalamatan.

Samantala, bago magtapos ang kanyang birthday celebration, hindi naman napigilang maiyak ni Willie.

Hiling niyang matapos na ang pandemya upang makapiling ang mga studio audience niya.

Miss na miss na raw niya umano ang mga bisita niya sa studio araw-araw lalong lalo na ang mga lola na malapit talaga sa puso niya.

Ang kanyang mga supporters at fans ang siyang dahilan kung bakit naroon siya sa kanyang kinalalagyan ngayon.

Jaclyn Jose, susubok sa audition ng Disney movie na Spiderman 3

Kaya naman wala siyang ibang hangad kundi ang maibalik ang mga biyayang patuloy niyang tinatanggap.

Narito ang kabuuan ng birthday celebration ni Willie Revillame sa Wowowin Tutok to win:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Si Willie Revillame ay isa sa mga kilalang showbiz personalities sa bansa, Itinuturing din siyang isa sa mga pinakamayayamang artista sa Pilipinas.

Isa ang kanyang anak na si Meryll Soriano sa mga nagbigay din ng mensahe para sa 60th birthday ng kanyang ama.

Kamakailan, ay nag-viral din ang pagbigsita sa kanya ng isa sa malalapit niyang kaibigan na si John Estrada. Nagawa pa nitong biruin si Willie na mukha raw walang pera nang kanyang bisitahin kaya pahihiramin na lang muna niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel