Viral pick-up driver na nambasag ng bintana ng truck, pinaghahanap na

Viral pick-up driver na nambasag ng bintana ng truck, pinaghahanap na

- Humingi na ng saklolo sa programa ni Raffy Tulfo ang truck driver na nadehado umano ng lalaki sa viral video

- Ito ay ang kumalat na video kamakailan kung isang isang lalaki mula sa isang pick-up na sasakyan ang bumaba at binasag ang bintana ng truck

- Sinasabi kasi ng lalaki muntik na silang mabangga ng truck na iniwasan lang umano ang isa pang sasakyan na bigla na lang umanong sumulpot sa unahan niya

- Nakuha ng progama ang pangalan umano ng lalaki base sa nakarehistro sa plate number na nakuha sa video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo na Idol in Action ang truck driver na si Roderick Viñegas kaugnay sa viral video kung saan makikita kung paano binasag ng umano'y nakaalitan nito sa daan.

Nalaman ng KAMI na si Roderick ang nagmamaneho ng truck sa video kung saan isang lalaki na sakay ng pick-up ang bumaba at galit na galit na hinataw ng tubo ang bintana ng minamaneho ni Roderick.

Read also

Billy Jack Sanchez, hinamon si Erwin Tulfo ng IQ test

Kwento ng truck driver sa programa ni Tulfo, mayroon kasing isang pulang sasakyan na bigla umanong sumingit sa harap niya.

Viral pick-up driver na nambasag ng bintana ng isang truck, pinaghahanap na
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Pilit niya itong iniwasan kaya bahagya siyang napabaling sa kanan kung nasaan ang pick-up.

Ito umano ang dahilan kung bakit nagalit ang nagmamaneho ng pick-up at inakusahan ang truck driver na ginitgit umano sila.

Ayon kay Atty. Garreth Tungol ng Idol in Action, kita naman umano sa video ang pagsingit ng pulang sasakyan na siyang sinasabing dahilan ng pag-iwas ng truck dito.

Maaring lingid sa kaalaman din ng iba na ang preno ng mga truck ay higit na mahirap manipulahin kumpara sa mga mas maliliit na sasakyan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang masaklap pa sa nangyari, hindi umano naaksyunan ng mga enforcer ang pangyayari sa dahilang huli na raw dumating ang mga ito. Kaya naman nakaalis ang pick up driver na ngayon ay pinaghahanap na.

Read also

Kalabaw na nagmistulang 'wedding car', kinagiliwan ng maraming netizens

Dumagdag pa sa problema ng truck driver ang nasabi sa kanya ng may-ari ng kanyang minamaneho na siya ang balak pagbayarin sa sira ng bintana.

Subalit nang kausapin na ito ni Atty. Tungol, binawi na ng may-ari ang pagpapasagot ng nasirang bintana at nais na mahanap na lamang ang totoong nakasira nito.

Samantala, nakuha rin ng programa ang plate number ng sasakyan ng pick-up. Ang pangalan din umano ng nakarehistro sa plakang ito ayon sa LTO ay nakuha na rin nila kaya umaasa silang mas mapapabilis ang paghahanap sa lalaking ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Read also

Raffy Tulfo, napahalakhak sa mga makukulit na salitang nasabi ng OFW

Bukod sa pag-aksyon sa mga sumbong ng mga naaapi nating kababayan. Marami na rin ang natulungan ni Tulfo na mga Pilipinong naghihikahos sa buhay.

Isa na rito ang taho vendor na bitbit ang anak niyang isang taong gulang sa paglalako. Nabigyan niya ito ng food cart business upang di na mahirapang sa hanapbuhay habang nag-aalaga ng anak.

Gayundin ang nag-viral na lolo na basahan vendor na nabigyan ni Tulfo ng sariling sari-sari store para hindi na ito mahirapang maglako lalo na at dumanas ito ng mild stroke.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel