Kalabaw na nagmistulang 'wedding car', kinagiliwan ng maraming netizens

Kalabaw na nagmistulang 'wedding car', kinagiliwan ng maraming netizens

- Viral ang mga larawan at video ng bagong kasal na nakasakay sa karosa ng kalabaw habang dumaraan sa putikan

- Kwento ng uploader, maputik ang daan patungong reception ng kasalan kaya minabuting sumakay sa karosa ng kalabaw ang dalawa

- Kapansin-pansing tuwang-tuwa ang bagong kasal sa pagsakay at hindi alintana ang kanilang sitwasyon kahit hindi sila lulan ng isang wedding car o bridal car

- Humanga rin ang maraming netizens sa bagong kasal at sinabing magandang simula raw ito sa pagsasama ng dalawa sa hirap man o ginhawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan sa social medi ang kasalan nina Wenefredo Matillano Jr. at Mary Ann Amata-Matillano na mula sa Capiz.

Nalaman ng KAMI na agaw-eksena ang video at larawan nilang sakay sa karosa ng kalabaw habang dumadaan sa putikan.

Sa post ng netizen na si Charlene Arcan Silvero makikita ang video na orihinal na binahagi ni Elma Adcan Matillano.

Read also

Ina ng may stage 5 chronic kidney disease, naluha nang matulungan

Kalabaw na nagmistulang 'wedding car', kinagiliwan ng maraming netizens
Sina Wenefredo Matillano Jr. at Mary Ann Amata-Matillano Photo from Charlene Arcan Silvero
Source: Facebook

"Ito 'yong kasal na sobrang simple na nagmumukhang Grande sa paningin ng iba kasi ramdam mo yung pagmamahal ng bawat isa, 'yong tipong mapapaluha ka sa sobrang saya at ligaya," ayon pa kay Charlene.

Mahirap umano ang daan patungo sa wedding reception ng dalawa. Maputik at talagang mahirap madaanan.

Kaya naman naisipan nilang isakay ang bagong kasal sa karosa ng kalabaw. Ito raw kasi ang mainam na paraan upang makarating sila sa venue ng reception at naghihintay na ang kanilang mga bisita.

Kapansin-pansin na masaya ang dalawa habang lulan ng karosa. Dito humanga ang mga netizens sa bagong kasal at sinabing maganda raw itong simula sa kanilang pagsasama na kahit mayroong pagsubok ay nagagawan nila ng paraan nang nakangiti.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Nakakatuwa sila, walang arte, kahit pa mismong kasal nila sumakay sa kalabaw"

Read also

OFW, mala-pelikula ang mga napuntahang lugar dahil sa mabait na amo

"Sa hirap at ginahawa talaga pero happy pa rin ang dalawa o, naka-smile pa!"
"Memorable ang kasalan nila dahil sa bridal car na kalabaaw, nakakaaliw"
"Oo nga naman, para makarating sila agad sa reception. Good idea"
"Madiskarte sila ha at walang arte ang bride kahit pa naka-gown siya. Very good sa inyong dalawa!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bago matapos ang taong 2020, nag-viral din ang isang kasalan kung saan lumusong na sa baha ang bride at groom matuloy lamang ang kanilang pag-iisang dibdib.

Subalit may mga usaping kasalan din na nag-viral ngunit ito ay dahil sa umurong ang groom at naiwang luhaan ang bride dahil hindi na natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica