Bride at groom, lumusong sa baha maituloy lamang ang kanilang kasalan

Bride at groom, lumusong sa baha maituloy lamang ang kanilang kasalan

- Viral ngayon ang larawan ng bride at groom na hindi nagdalawang isip na lumusong sa baha maituloy lamang ang kanilang pag-iisang dibdib

- Maging ang kanilang mga abay ay tumawid na rin sa baha kahit pa suot na nila ang mga damit pangkasal

- Aminadong kabado ang groom sa sitwasyong ito dahil bukod sa maaring matangay sila ng baha nangangamba itong baka umatras sa kasal ang kanyang pakakasalan

- Masayang-masaya ang dalawa na nairaos ang kasalan na nagbigay ng magandang aral sa pagsisimula ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bride at groom, lumusong sa baha maituloy lamang ang kanilang kasalan

Photo: Josephine Bohol Sabanal Facebook
Source: Facebook

Agaw-eksena sa social media ang mga larawan Jeziel Masuela at Roniel Guillepa na lumulusong sa baha kahit nakasuot pa sila ng pangkasal.

Nalaman ng KAMI na ikakasal pa lang nga noon sina Jeziel at Roniel at wala raw ibang daan kundi ang rumaragasang baha sa Mabinay, Negros Oriental.

Mahigit 10 delivery riders, nabiktima ng fake order sa Las Piñas

Aminadong takot ang mga ito na baka matangay ng baha, ngunit hindi naman sila nagdalawang isip na suungin ito.

Maging ang bride na naka-gown ay nagawang lumusong sa tubig, matuloy lamang ang pag-iisang dibdib nila ng kanyang minamahal.

Dahil dito, maging ang kanilang mga abay at mga ninong at ninang sa kanilang kasal ay hindi na rin nagdalawang isip na lumusong sa baha.

At dahil lahat naman ng nararapat na naroon sa kanilang pag-iisang dibdib ay maayos na nakarating, wala nang makapipigil pa sa isa sa pinaka-espesyal na araw ng kanilang pagsasama.

Patunay lamang daw na maging ang pandemya at baha ay hindi makakapigil sa kanilang itinakdang kasalan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito ang kanilang mga larawan na ibinahagi ni Josephine Bohol Sabanal:

Marami-rami na nga ang mga hindi nagpaawat sa pagpapakasal kahit naka-quarantine pa rin ang bansa dahil sa COVID-19.

70-anyos na naglalako ng merienda, 40 taon nang mag-isang bumubuhay sa pamilya

Nararapat lamang nilang sumunod sa mga safety protocols na ipinatutupad bilang ang kasalan ay isang uri ng pagtitipon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kagaya na lamang ng isang bride na tila nasira ang 'moment' sa pagbukas ng pinto ng simbahan dahil ang thermal scanner ang agad na sumalubong sa kanya.

Mayroon din namang nurse na matapos na gumaling sa COVID-19 ay agad nang pinakasalan ng longtime partner niya. Sa isang simpleng salo-salo, naisakatuparan nila ang kanilang pinapangarap na kasalan kahit na patuloy nating kinakaharap ang pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel