Groom na nagpaalam na maliligo, tuluyan nang tinakasan ang kanyang bride

Groom na nagpaalam na maliligo, tuluyan nang tinakasan ang kanyang bride

- Nagawang tumakas ng isang groom bago pa man ang kanyang kasal sa OFW na dalawang taon na niyang karelasyon

- Ayon sa lalaki, nagawa niya ito dahil sa pinilit lamang umano siyang magpakasal ng nobyang may edad kaysa sa kanya

- Ang masaklap sa nangyari, lumalabas na tila pera lamang umano ang habol ng lalaki sa OFW na siyang mapagbigay sa kanya at sa kanyang pamilya

- Tagalang nagalit ang bride na nais nang kasuhan ang lalaki subalit binigyan pa sila ni Tulfo ng pagkakataong magkausap muna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masama ang loob na dumulog kay Raffy Tulfo ng OFW na si Eleonor "Rona" Alay na tinakasan umano ng kanyang groom na si Cresencio "Jun Jun" Milana.

Nalaman ng KAMI na nagpaalam lamang ang groom na noo'y kasama na ng kanyang bride na maliligo subalit hindi na ito nagpakabalik-balik pa.

Read also

Ikakasal na guro nagawa pang mag-reply sa text ng kanyang estudyante, viral

Halos hindi makapaniwala si Rona sa ginawa ni Jun Jun sa kanya gayung alam naman daw ng pamilya nito ang balak nilang pagpapakasal.

Groom na nagpaalam na maliligo, tuluyan nang tinakasan ang kanyang bride
Photo from Pixnio
Source: UGC

Ayon pa kay Rona, nagagawa rin niyang suportahan ang pamilya ni Jun Jun na sa pagkakaalam niya'y boto naman sa kanya.

Nang kapanayamin na ni Tulfo ang groom, sinabi nitong ayaw na niya talagang magpakasal sa nobya na pinilit lamang daw siya.

Isa na rito ang edad nila na hindi raw sigurado ang lalaki kung nagsasabi ba ito ng totoo.

23-anyos lamang ang groom samantalang ang bride naman ay 37 ang ipinaalam na edad na siyang pinagdudahan ng lalaki.

Isa ring sinasabing rason ng lalaki ay ang pagpapakasal nila sa relihiyon ni Rona na isang Muslim.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil sa hindi na talaga makumbinsi pa na magkaayos ang dalawa, ipinababalik na lamang ni Rona ang ilang mga naibigay niya kay Jun Jun na sa tingin niya'y pinerahan lamang umano siya.

Read also

Sharon Dacera, sinabing may pagkukulang umano ang mga kasama ni Christine

Isa na rito ang mamahalin na relo na ang kwento ni Jun Jun ay naibayad na umano niya sa taxi na kanyang sinakyan nang siya'y tumakas dahil sa wala umano siyang dalang pera noon.

Napag-alaman pa ni Tulfo sa tulong ni Atty. Garreth Tungol na maaring kasuhan ni Rona si Jun Jun ng sindicated estafa na umano'y walang piyansa at maaring makulong ito ng habang buhay.

Ito ay dahil sa lumalabas na nasa limang katao ang nakinabang sa perang nakukuha ni Jun Jun kay Rona dahil maging ang pamilya nito umano ay may natatanggap din.

Kahit nagmamakaawa na si Jun Jun kay Rona, desidido pa rin daw itong kasuhan ang dating nobyo. Subalit iminungkahi ni Tulfo na pag-usapan muna nila itong dalawa lalo na at mabigat na kaso ang maaring kaharapin ng dating groom.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Vlogger na si Toni Fowler, kinumpirmang single na siya

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Bukod sa pag-aksyon sa mga sumbong ng naaaping kababayan, marami na ring natulungan si Tulfo na mabago ang buhay.

Isa na rito ang nag-viral na taho vendor na bitbit din ang anak na isang taong gulang sa paglalako. Binigyan na lamang siya ni Tulfo ng food cart nang sa gayon ay hindi ito mahirapan na isama ang anak sa paghahanapbuhay.

Gayundin ang nag-viral na basahan vendor na nagkaroon ng mild stroke. Para hindi na ito mahirapan sa paglalakad habang nagtitinda ng mga basahan, ipinagpatayo ito ni Tulfo ng sarili niyang sari-sari store.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica