BF, biglang naglaho tangay ang pera at mamahaling gamit ng kasintahan
- Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang isang transgender woman na naloko umano ng kanyang naging kasintahan
- Nito lamang Disyembre nakilala ng nagrereklamo ang lalaki na kanyang pinatira sa kanyang pamamahay
- Hindi raw niya sukat akalain na isa pa lang modus ang pagpapakilala nito sa kanya at tinangay ang mga mahahalaga niyang gamit
- Maging ang ina ng lalaki ay hindi na raw alam ang kinaroroonan ng anak kaya naman panawagan nilang isauli na lamang nito ang mga natangay niyang gamit
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Masama ang loob ng 38-anyos na transgender woman na si Erika Nicole Villanueva nang humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa pagnanakaw na ginawa sa kanya ng naging nobyo.
Nalaman ng KAMI na natangay ng dating nobyo ni Erika na si Ric Abonete ang perang nagkakahalaga ng PHP10,000, isang iPhone at dalawang tablet.
Pati ang bagong cellphone na regalo sana ni Erika kay Ric para sa kanilang monthsary ay natangay na rin nito.
Kwento ni Erika, nakilala niya sa Libertad sa Pasay City si Ric na nanghingi kanyang cellphone number.
Disyembre 12 noong nakaraang taon nang sila ay magsimulang magkausap sa cellphone hanggang sa Disyembre 24, si Ric na ang kasama ni Erika sa pagsalubong nito sa Kapaskuhan.
Kinabukasan, bumalik pa raw ang lalaki at sinabing pinalayas na raw siya ng kanyang tiyahin.
Disyembre 30 naman nang magsimulang magkaaway na ang dalaga na ayon kay Tulfo ay tila isa nang hudyat nang pag-alis ng lalaki.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Hanggang sa dumating nga ang araw na lumabas lamang si Erika para bumili ng ulam at sa kanyang pagbabalik, wala na si Ric pati na rin ang kanyang mga gadgets at pera.
Nakapanayam pa ni Tulfo ang ina ni Ric subalit matagal na umano itong hindi umuuwi sa kanila.
Kaya naman nanawagan na lamang si Erika kay Ric na ibalik na lamang ang mga kinuha nitong gamit na hindi naman umano nito pinaghirapan.
Magsilbing babala na rin daw ito sa iba na maari pang mabiktima ng lalaking ito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Kamakailan ay natulungan din ni Tulfo ang isang OFW na nagawa pa ring lokohin ng nobyang binigyan niya ng dalawang kotse at sustentado pa ng salapi pati mga magulang nito.
Nagkasundo ang dalawa na ibabalik na lamang ng babae ang dalawang kotse habang unti-unti naman nitong babayaran ang perang naibigay sa kanya ng lalaki kung magkaroon na siya ng trabaho.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh