OFW na nagbigay ng 2 kotse at sandamakmak na pera sa nobya, pinagpalit pa rin sa iba
- Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang OFW na umano'y naloko ng kanyang nobya
- Ang masaklap pa sa nangyari, dalawang kotse at limpak-limpak na salapi na ang naibigay ng OFW sa kasaintahan
- Aabot na sana sila sa puntong pagpapakasal ngunit pinili ng babaeng magkaroon na lamang ng kotse at simpleng kasalan na lang na di naman naganap
- Binalak na lamang ng babae na ibalik ang mga sasakyan sa dating nobyo subalit hindi niya maipangako na maibalik ang perang mga naibigay nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo na "Idol in Action" ang OFW na si Emerson Navarro na umano'y naloko ng dati niyang nobya na si Yolanda Buhia.
Nalaman ng KAMI na matapos na bigyan ni Emerson si Yolanda ng dalawang kotse at sandamakmak na salapi ay nagawa pa rin siya nitong lokohin at ipagpalit sa iba.
Kwento ni Emerson, ikakasal na sana ni Yolanda subalit hiniling nito ang magkaroon na lamang ng sasakyan at simpleng kasalan na lang sana ang magaganap.
Subalit hindi ito nangyari nang malaman ng OFW na may iba na pala umanong lalaki ang kanyang nobya.
Bukod sa sasakyan, nagpapadala rin ng pera si Emerson na siyang ipinangbubuhay umano ni Yolanda maging sa kanyang pamilya.
Makakauwi na nga raw sana ng bansa ang OFW subalit sa dalas ng pagpapadala niya kay Yolanda ay halos doon na lamang daw napunta lahat ang kanyang pera.
Nang kapanayamin naman ni Tulfo si Yolanda, sinabi nitong handa naman siyang ibalik ang mga sasakyan ni Emerson. Ang hindi pa lamang niya maipangako na agad na maibibigay ay ang perang naibigay sa kanya ng dating nobyo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ang katwiran ni Yolanda, bigay naman daw umano ang mga ito at hindi niya inakalang para pala iyong utang na kanya pang babayaran.
Nawalan din umano ng trabaho si Yolanda at sinabing dahil umano ito sa kahihiyan na binigay sa kanya ni Emerson.
Gayunpaman, humingi pa rin ng tawad si Yolanda sa nagawa niyang pagkakamali kay Emerson at nangako siyang ibabalik ang mga kotse at unti-unting babayaran ang perang naibigay sa kanya oras na magkaroon muli siya ng trabaho.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.
Isa sa malapit sa puso ni Tulfo ang mga overseas Filipino worker kaya naman ganoon na lamang ang bilis ng pagtulong niya sa mga kababayan nating naaapi sa ibang bansa.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh