Viral na palaboy na na-makeover, nahanap ng nagpakilalang kaanak

Viral na palaboy na na-makeover, nahanap ng nagpakilalang kaanak

- Matapos mag-viral ang ang kwento ni Dennis Pascual, may nagpakilalang kapatid niya na nais siyang makilala

- Half-American daw umano si Dennis na tanging pangangalakal na ang ikinabubuhay

- Marami ang nakapansin sa kanya matapos ang makeover dahil sa mala-artista niyang awra

- Hangad ng marami na sana'y tuloy-tuloy na ang tulong na matanggap nito upang hindi na siya bumalik sa pangangalakal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video at larawan ng makeover sa palaboy na lalaki sa Pampanga na si Dennis Pascual.

Nalaman ng KAMI na pinagmalasakitan itong tulungan ng stylist na si Richard Strandz at ibinahagi niya ang makeover video ni Dennis sa kanyang YouTube channel.

Napansin umano ni Richard at itsura ni Dennis na bagaman at pangangalakal ang ikinabubuhay, may mukha raw itong parang artista.

Viral na palaboy na na-makeover, nahanap ng nagpakilalang kaanak

Photo from Richard Strandz
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Kim Chiu, hindi napigilang mag-react sa viral na meme ni Kris Aquino

Inayos ni Richard ang buhok ni Dennis at binihisan. Nagkaroon din sila ng pictorial pagkatapos kung saan mas lalong lumitaw ang awra ni Dennis na maaring maging modelo.

Sa Part 2 ng video ni Richard, muli nilang hinanap si Dennis upang ipamili ng mga damit.

Sinabi na rin niya rito na marami ang nakakita sa mga larawan nito sa social media kabilang na rito ang nagpakilalang kapatid na si Jimmy Pascual.

Nabanggit din sa naturang video na isa pala umanong half-American si Dennis.

Inaasahang sa susunod na vlog ni Richard ay ibabahagi na nito ang pagkikita ni Dennis at ang sinasabing kapatid nito.

Sa bandang huli ng part 2 video ni Richard tungkol sa kanyang namakeover na palaboy, Ipinakita niya ang larawn ng nagpakilalang kapatid ni Dennis na hindi nga naman nalalayo sa mukha nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Interview ni Kris Aquino kay Kim Chiu noong 2014, trending dahil sa mga meme

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matapos na mag-viral ang video at larawan ng makeover kay Dennis, marami ang umaasang tuloy-tuloy ang tulong na matanggap nito nang hindi na siya bumalik pa sa pangangalakal.

Kamakailan ay nag-viral din ang makeover photoshoot ni Rosemarie Vega. Matatandaang si Rosemarie ang Pinay sa '90 Day Fiancé' kung saan naitampok ang love story nila ni Ed Brown.

Hindi man nagkatuluyan, nagkaroon ng career si Rosemarie dahil sa angking ganda na tulad ni Dennis ay lalong naging kapansin-pansin matapos ang makeover na ginawa sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel