Lalaking palaboy, nag-viral matapos ang makeover sa kanya ng mabait na stylist

Lalaking palaboy, nag-viral matapos ang makeover sa kanya ng mabait na stylist

- Viral ngayon ang video at mga larawan ng isa umanong lalaking palaboy na nakilalang si Dennis Pascual

- Binahagi ng stylist na si Richard Strandz sa kanyang YouTube channel ang makeover na ginawa niya kay Dennis

- Kapansin-pansin kasi ang itsura nito na nagmistulang isang modelo lalo na nang naayusan

- Matapos ang makekover at photoshoot, binigyan din ng tulong ng stylist si Dennis at pinayuhan na patuloy lamang ang pagsususmikap sa buhay at manatiling isang mabuting tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang video at mga larawan ng isang lalaking nangangakal na nakilalang si Dennis Pascual.

Ito ay matapos na mapansin siya ng mabait at matulunging hair stylist na si Richard Strandz.

Sa kanyang YouTube channel noong Pebrero 4, ibinahagi ni Richard ang makeover na ginawa niya kay Dennis.

Lalaking palaboy, nag-viral matapos ang makeover sa kanya ng mabait na stylist

Photo from Richard Strandz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na wala umanong pamilya si Dennis at pawang pangangalakal lamang talaga ang kanyang ikinabubuhay.

Viral ex-policeman na umano'y nag-angas sa kapitbahay, ipina-Tulfo na

Kwento pa ni Richard, noon pa ma'y napapansin na niya si Dennis na napapadaan habang ito ay naghahanapbuhay.

Hindi niya raw ito agad na nilapitan sa pangambang baka hindi ito maayos na kausap.

Subalit nang malaman niyang mabuting tao naman si Dennis, inalok niya ito ng makeover bilang tulong na rin sa kanya.

Matagal na rin daw talagang tumutulong si Richard sa mga tulad ni Dennis na naghihikahos sa buhay subalit patuloy na nagsusumikap.

At sa araw ngang iyon, si Dennis ang mapalad na natulungan ni Richard.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hair makeover ang ginawa ng stylist kay Dennis at saka niya ito binihisan. Nagkaroon din sila ng photoshoot at kapansin-pansin ang itsura ng palaboy na nagmistulang isang professional model.

Ayon pa nga sa mga netizens, ilang mga artista raw ang kamukha nito tulad ng Pinoy actor na si Jake Cuenca at maging ng Hollywood star na si Chris Pratt.

BF, biglang naglaho tangay ang pera at mamahaling gamit ng kasintahan

Matapos ang photoshoot, binigyan ni Richard ng tulong pinansyal si Dennis at ipamimili rin daw niya ito ng mga damit.

Bukod sa mga humanga kay Dennis dahil sa mala-artista niyang porma, marami rin ang bumilib kay Richard dahil sa pagtulong nito sa kababayang hirap sa buhay.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Very nice sir, malay niyo po ikaw ang maging daan para magbago ang buhay ni Dennis Pascual"
"Mabuhay po kayo Richard Strandz! tuloy niyo lang po ang pagtulong sa mga kapos-palad"
"Very good po kayo Richard! Isang artista in the making ang natulungan niyo. Hawig po siya ni Jake Cuenca"
"Lalong lumitaw ang good looks ni kuya dahil sa makeover mo po. Sana marami pa po ang inyong matulungan"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

25-anyos na dating janitor, Pinoy restaurant owner na sa Australia

Kamakailan ay nag-viral din ang makeover photoshoot ni Rosemarie Vega. Matatandaang si Rosemarie ang Pinay sa '90 Day Fiancé' kung saan naitampok ang love story nila ni Ed Brown.

Hindi man nagkatuluyan, nagkaroon ng career si Rosemarie dahil sa angking ganda na tulad ni Dennis ay lalong naging kapansin-pansin matapos ang makeover na ginawa sa kanya.

Gayundin ang isang batang naglalako umano ng basahan na namataan ng isang motorista. Nag-viral ang larawan nito dahil sa mala-anghel na mukha ng bata na maari raw mag-artista balang araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel