Viral ex-policeman na umano'y nag-angas sa kapitbahay, ipina-Tulfo na

Viral ex-policeman na umano'y nag-angas sa kapitbahay, ipina-Tulfo na

- Ipina-Tulfo na ang umano'y maangas na dating pulis sa viral video na inambahan ang nakaalitang kapitbahay

- Naging mainit ang diskusyon ng dating pulis at caretaker ng bahay kung saan nagpaparada siya ng kanyang sasakyan

- Dumating kasi ito at walang maparadahan dahil sa ilang mga gamit na nasa pwesto kung saan siya nagpaparada

- Nililinis kasi ng caretaker ang lugar kaya nakiusap itong iparada na lang muna ng dating pulis ang sasakyan sa may unahan lang ng kanyang pinupwestuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos na mag-viral ang video ng dating pulis na si Jayson Tiamson, nakarating na ito sa programa ni Raffy Tulfo na "Idol in Action."

Nalaman ng KAMI na si Tiamson ang lalaki sa isang kumalat na video kung saan kitang-kita kung paano nito inangasan umano ang kanyang kapitbahay dahil lamang sa kanyang parking space.

Raffy Tulfo, humingi ng tulong kay Jay Costura kaugnay sa kaso ng nawawalang seaman

Kwento ng kanyang nakaalitan na si Carlito Cariño Jr., pinalilinis umano ng may-ari ng bahay ang lugar kung saan pumaparada si Tiamson.

Viral ex-policeman na umano'y nag-angas sa kapitbahay, ipina-Tulfo na

Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram

Nadatnan sila ng dating pulis at nakitang may mga gamit sa umano'y parking space niya.

Nakiusap naman daw ng maayos si Cariño na kung maari ay sa may bandang unahan na lamang pumarada pansamantala si Tiamson at tatapusin lamang nila ang paglilinis.

Subalit uminit na ang ulo ng dating pulis na bukod sa paninigaw at nagbanta pa umano ito na bubunot ng kanyang baril.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang kapanayamin na ni Tulfo si Tiamson, itinanggi nito na mayroon siyang baril at sinabing tinatakot lamang umano niya si Cariño na may hawak naman daw na long nose.

Samantala, kinausap din ni Tulfo si Benedicto Magno Brgy. Ex-O ng Brgy. Dita, Santa Rosa Laguna at sinabi nitong marami na pala talagang mga nagrereklamo sa umano'y maangas na ex-patrolman.

OFW na nagbigay ng 2 kotse at sandamakmak na pera sa nobya, pinagpalit pa rin sa iba

Desidido naman si Cariño na kasuhan si Tiamson at ayon kay Atty. Garreth Tungol na abogado sa mga programa ni Tulfo, grave threat at physical injury ang mga kasong maaring maisampa sa dating pulis upang hindi na ito umulit.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 18 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa si Tulfo sa mga nangakong tututok sa kaso laban sa dating pulis na si Jonel Nuezca na pumaslang sa mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio.

Valentine Rosales ng Dacera case, sinabing nawalan siya ng trabaho at itinakwil ng ama

Sa update na binigay ni Atty. Freddie Villamor sa kaso, maaring makapagbayad si Nuezca ng PHP70 million na danyos.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel