Jonel Nuezca, pinagbabayad ng ₱70 million na danyos sa kaso ng mag-inang Gregorio

Jonel Nuezca, pinagbabayad ng ₱70 million na danyos sa kaso ng mag-inang Gregorio

- Nagbigay ang programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' ng update sa kaso ng pagpatay ng pulis na si Jonel Nuezca sa mag-inang Sonia at Frank Gregorio

- Nai-presenta na para sa prosekusyon bilang testigo ang asawa ni Sonia at ama naman ni Frank na si Florentino Gregorio

- Ayon sa abogado ng mga Gregorio, aabot sa mahigit ₱70 million ang mababayaran ni Nuezca bilang danyos sa pagkitil ng buhay ng mag-ina

- Kasalukuyan pa ring naka-quarantine si Nuezca at inaasahang makadadalo na ito sa susunod na hearing

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakatutok pa rin ang programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' sa kaso ng mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio na umano'y pinaslang ng kapitbahay na pulis na si Jonel Nuezca.

Nalaman ng KAMI na nagbigay ng update si Atty. Freddie Villamor, ang abogado ng pamilya Gregorio tungkol sa pag-usad ng kaso laban kay Nuezca.

Read also

Lindsay De Vera, kakasuhan ang nasa likod ng fake news na nabuntis siya ni Dingdong Dantes

Sinabi ni Villamor kay Tulfo na nai-presenta na nila para sa prosekusyon bilang testigo ang asawa ni Sonia at ama naman ni Frank na si Florentino Gregorio.

Jonel Nuezca, mahigit ₱70 million ang danyos na babayaran sa kaso ng mag-inang Gregorio
Photo: Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction)
Source: Instagram
"Thru him, in-establish po natin ang civil liability ng akusado at nanghihingi po siya ng total amount of more than PHP70 million,
"To breakdown, nanghingi po siya ng PHP20 million that is PHP10 million each, for each victim. Tapos nanghingi rin siya ng PHP50 million for exemplary damages para huwag tularan ang ginawa ng akusado sa pagpatay sa kanyang asawa't anak (ni Florentino)
"Bukod pa po doon, ko-kompyutin pa ng court 'yon, iyong compensatory damages, at under the law, entitled po siya sa tinatawag na civil indemnity na for every deceased or every victim, may 75,000," paliwanag ni Villamor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Kaya more than PHP70 million po ang total damages na hinihingi ng private complainant," ayon kay Atty. Villamor at sinabing ito ay depende pa rin kung ito ay mapagbibigyan ng korte.

Read also

Carla Abellana inaming hindi sila parating sweet ni Tom Rodriguez

Ang danyos na ito ay bukod pa sa pagkakakulong na ipapataw umano kay Nuezca na kasalukuyan pa ring naka-quarantine.

Inaasahang makakaharap na ito sa susunod na hearing ng kaso.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa si Tulfo sa mga nangakong tututok sa kaso ng mag-inang sina Sonia at Frank Gregorio upang makamit nila ang hustisya.

Maaalalang Disyembre 20 noong 2020 nang gumulantang sa social media ang nag-viral na video ng aktwal na pamamaril ng pulis na si Jonel Nuezca sa nakaalitang kapitbahay na sina Sonia at Frank Anthony Gregorio.

Read also

Vice Ganda, napa-react sa taong nang-iwan sa It's Showtime family

Ilang oras matapos na magawa umano ang karumaldumal na krimen, sumuko rin ito sa pulisya.

Nahaharap sa kasong double murder ang dating pulis na siyang akusado sa kaso.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica